GMA Logo Will Ashley in MMFF movies
Source: willashley17 (IG)
What's Hot

Will Ashley, bibida sa dalawang MMFF movies

By Marah Ruiz
Published October 11, 2025 11:35 AM PHT
Updated October 11, 2025 12:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley in MMFF movies


Bibida si Will Ashley sa dalawang Metro Manila Film Festival entries ngayong 2025.

Magiging busy ang Pasko ni Kapuso actor and former Pinoy Big Brother celebrity housemate Will Ashley.

Bibida kasi siya sa dalawang pelikula na parehong official entries sa prestihiyosong Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Ang unang pelikula ay ang Bar Boys: After School na sequel na much-loved at critically acclaimed 2017 film na Bar Boys.

Nagbabalik para sa sequel ang original cast nitong sina Kean Cipriano, Rocco Nacino, Carlo Aquino, Enzo Pineda, at Odette Khan. Bagong adisyon naman sina Will, Glaiza de Castro, Sassa Gurl, Therese Malvar, Bryce Eusebio, Benedix Ramos, at kapwa PBB housemates Klarisse de Guzman at Emilio Daez.

Gaganap dito si Will bilang Arvin, isang working student na pinagsasabay ang law school at pagiging breadwinner ng pamilya.

Si Kip Oebanda muli ang magsisilbing direktor ng pelikula na isinulat niya kasama sina Carlo Enciso Catu at Zig Dulay.

Source: willashley17 (IG)

Ang pangalawang pelikula ni Will ay ang Love You So Bad na isa sa apat na pelikulang inanunsyo kamakailan na kukumpleto sa official MMFF entries ngayong taon. Magiging co-star niya dito ang kapwa PBB housemates na sina Dustin Yu at Bianca de Vera. Co-produced ang Love You So Bad ng mga movie industry giants na Star Cinema, GMA Pictures, at Regal Entertainment.

Ang blockbuster director na si Mae cruz Alviar naman ang magsisilbing direktor nito.

Malaking blessing daw para kay Will na magkaroon ng hindi lang isa, kundi dalawang MMFF films.

"Mood right now!!

"Only a crazy dream until you do it!

"Mag kita kita po tayo sa PASKO para sa MMFF!!!

"Maraming salamat po sa pag mamahal at suporta. Maraming salamat sa tiwalang ibininigay niyo sa akin. Mahal ko kayong lahat!!!

"Isa lamang itong pangarap dati. Who would've thought na sa unang MMFF dalawa na malapit sa puso kong pelikula ang mapapasama dito!

"Patuloy po natin suportahan ang pelikulang pilipino!! 🫶🏻," sulat niya sa Instagram.

A post shared by Will Ashley (@willashley17)

Bukod sa dalawang pelikulang ito, nalalapit na rin ang sold out first solo concert ni Will. Nakatakda itong itanghal sa New Frontier Theater sa October 18, 2025. Naka-livestream din ang concert para sa mga hindi makakapunta sa venue.

Special guests niya dito sina Bianca De Vera, OPM artist Eliza Maturan, at Stars on the Floor judge at SB19 choreographer Jay Roncesvalles.