GMA Logo will ashley
PHOTO COURTESY: GMANetwork.com
What's Hot

Will Ashley, bibida sa newest drama series na 'Delivery Boi'

By Dianne Mariano
Published May 23, 2026 11:25 AM PHT

Around GMA

Around GMA

No Ebola case in PH, DOH says
Gabbi Carballo finishes Miss Eco International journey at Top 21
Gibiling Bag sa Minglanilla, Cebu, Nakamugna og Kahadlok | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

will ashley


Kilalanin ang mga makakasama ni Will Ashley sa upcoming GMA Afternoon Prime series na 'Delivery Boi'

Isa sa mga bagong handog ng GMA ngayong taon ay ang upcoming drama comedy series na Delivery Boi.

Pinangungunahan ito ni Will Ashley, kasama ang mga bihasa at premyadong aktor kabilang sina Eric Quizon, Keempee De Leon, Meryll Soriano, Maricar De Mesa.

Kukumpletuhin naman ang powerhouse cast na ito nina Yasser Marta, Vince Maristela, Mikoy Morales, Angellie Sanoy, Juharra Asayo, Baninay Bautista.

Nagsama-sama ang cast sa unang pagkakataon sa naganap na story conference ng programa nitong Biyernes, May 22.

Labis ang pasasalamat ni Will sa oportunidad at tiwala na ibinigay sa kanya at excited na siyang masimulan ang Delivery Boi.

“Sobrang excited po ako na gawin ang proyektong na ito. Kagaya po ng mga sinasabi po nila, gagawin ko rin po 'yung best ko para dito,” pagbabahagi ni Will sa story conference.

Pag-amin pa ni Will, nakaramdam siya ng pressure dahil ito ang kanyang kauna-unahang serye kung saan siya ang lead star.

Aniya, “Grabe rin 'yung pressure po na nararamdaman ko since first lead serye ko po itong Delivery Boi. So [I'm] grateful talaga sa trust po ninyo.”

Ang Delivery Boi ay sasailalim sa direksyon nina directors Adolf Alix Jr. at Dominic Zapata.

Abangan ang Delivery Boi, soon sa GMA Afternoon Prime.