
Naki-celebrate sa special day ni Ralph De Leon ang ilan sa kanyang ex-housemates sa unang season ng collab ng Pinoy Big Brother.
Sa Instagram Stories, may post ang Sparkle star na si Will Ashley na idine-dedicate niya para kay Ralph.
Mababasa sa greeting ni Will para sa Star Magic star, “Happy birthday brodieee. @ralph_dl.”
Sa hiwalay na post, may sweet greeting si Esnyr para kay Ralph.
Ayon sa kanya, “Happy birthday to my protective Pinoy big boy @ralph_dl.”
“Labyu RDL,” dagdag pa ni Esnyr.
Si Ralph ang huling naging ka-duo ni Will sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Nakilala ang kanilang tandem bilang RaWi (Ralph De Leon at Will Ashley) at itinanghal silang Kapuso at Kapamilya Second Big Placers sa Big Night ng reality competition.
Isini-ship ng netizens at fans si Ralph sa Sparkle star na si AZ Martinez na naging parte rin ng unang collab edition ng Pinoy Big Brother.
Take a look at Ralph De Leon's sleek monochrome birthday pictorial in the gallery below.