
Bibida ang Sparkle star na si Will Ashley sa pinakabagong drama comedy series ng GMA na Delivery Boi.
Sa "Chika Minute" report ni Athena Imperial para sa 24 Oras Weekend, ibinahagi ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition Second Big Placer ang kanyang excitement sa pagbibidahang serye.
"First lead serye ko nga po ito, and sobrang blessed lang talaga na nasa ganitong punto na ako ng buhay ko. Nae-excite ako at ang dami ko nang naiisip sa utak ko, lalo na nung nakita ko 'yung mga kasama ko rito sa Delivery Boi," pagbabahagi ni Will.
Ayon pa kay Will, looking forward siya na gampanan sa serye ang mga nakakasalamuha niyang delivery riders.
"Nung mga nakaraang araw, weeks, talagang kapag nagpapa-deliver ako, ino-observe ko rin kung paano sila kumilos. Hanggang ngayon, parang nasa process pa rin ako ng pagbuo ng character," aniya.
Makakasama ni Will sa Delivery Boi ang mga premyado at batikang aktor na sina Eric Quizon, Keempee De Leon, Meryll Soriano, Maricar De Mesa.
Ang powerhouse cast ay kukumpletuhin nina Yasser Marta, Vince Maristela, Mikoy Moraless, Angellie Sanoy, Juharra Asayo, Baninay Bautista.
Ang Delivery Boi ay ididirehe ng mga direktor na sina Adolf Alix Jr. at Dominic Zapata.
Related gallery: Will Ashley's career wins after his 'Pinoy Big Brother' journey