
Parami nang parami ang fans ng tinaguriang Nation's Favorite Son na si Will Ashley.
Related gallery: Will Ashley's transformation over the years
Sa video-sharing application na TikTok, mapapanood ang kanyang entries sa ilang trend na labis na pinupusuan at kinagigiliwan ng netizens.
Mabilis na humahakot ngayon ng million views ang videos ng Sparkle actor.
Isa sa viral ngayon ay ang version ni Will sa 'Pogi' TikTok trend, kung saan game na game niyang sinubukan ito suot ang kanyang plain black shirt at eyeglasses.
Sa kasalukuyan, mayroon na itong 4.8 million views.
@willxashley O sige
♬ POGI - Paul N Ballin
Trending din sa TikTok ang video ni Will, kung saan ka-collab niya ang Big Winner ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na si Mika Salamanca.
@willxashley @Mahika ♬ son original - 𝑀𝐴𝑁𝑂𝑁 🍸🎀
Mayroon nang 3.5 million followers at 32.2 million likes ang Kapuso actor sa TikTok.
Samantala, si Will at ang final duo niya na si Ralph De Leon ang itinanghal na Second Big Placer Duo sa hit reality show.
Nakilala rito si Will bilang Mama's Dreambae ng Cavite.