GMA Logo Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
Courtesy: GMA, ABS-CBN, Pinoy Big Brother
What's Hot

Will Ashley, iba pang PBB Celebrity Collab Edition ex-housemates, may entry sa 'Pogi' TikTok trend

By EJ Chua
Published August 9, 2025 11:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD: Over P8.4M in relief aid given to Albay LGUs affected by Mayon Volcano unrest
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition


Panoorin dito ang entries nina Will Ashley, Shuvee Etrata, at iba pang ex-housemates ng PBB Celebrity Collab Edition sa isang TikTok trend.

Viral ngayon sa TikTok ang kanya-kanyang gimik ng ex-housemates ng PInoy Big Brother Celebrity Collab Edition para sa isang TikTok trend.

Related gallery: Meet the Kapuso, Kapamilya housemates of Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition

Sa showbiz report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras para sa GMA Integrated News, ipinasilip ang entries ng ilang ex-housemates, kung saan sinubukan nila ang bagong trend sa TikTok.

Isa sa mga kumasa sa 'Pogi' trend ay ang Second Big Placer at Sparkle actor na si Will Ashley.

Angat ang angas at handsome look ni Will sa kanyang plain black shirt habang nagti-TikTok.

Bukod sa kanya, game na game din dito ang iba pang kabilang sa Pinoy Big Boys na sina Vince Maristela, Ralph De Leon, River Joseph, Brent Manalo, Michael Sager, at Emilio Daez.

Hindi rin nagpahuli sa 'Pogi' TikTok trend ang ShuKla, ang duo nina Shuvee Etrata at Klarisse De Guzman.

Samantala, abangan ang muling pagsasama-sama ng Kapuso at Kapamilya stars na naging parte ng Bahay Ni Kuya ngayong Linggo, August 10, sa 'The Big ColLove' Fancon.

Related gallery: Celebrity houseguests sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'