
Maraming pinagdaanan ang young Kapuso actor na si Will Ashley bago siya makilala.
Sa kanyang bagong vlog, ibinahagi ni Will ang kanyang kuwento sa pagpasok sa mundo ng showbiz.
Kuwento ni Will, ang kanyang role bilang Young Isagani ang kanyang unang proyekto sa GMA Network. Ito ay para sa show na Villa Quintana.
Noong taping umano ay nahirapan si Will sa pag-iyak sa eksena, hanggang sa maisip niya na ito na ang kanyang pinakahihintay na break.
"Ito na yung pangarap mo e, hindi mo pa ba gagalingan?"
Nagsunod-sunod ang naging proyekto ni Will pagkatapos nito. Naging parte siya ng Innamorata, Niño, My BFF, Little Nanay, at iba pa.
Ngayon ay napapanood na si Will sa top rating show na Prima Donnas.
Saad ni Will ay ang lesson na kanyang natutunan sa murang edad.
"Sa buhay natin, marami tayong pagsubok na kakaharapin. Pero hindi dapat tayo matinag sa isang problema lang. Dapat lumaban tayo."
Dagdag pa niya, "Maraming maninira, maraming gusto kang i-down pero hindi ka dapat magpaapekto doon. I-prove mo yung sarili mo na mali sila."
Panoorin ang kanyang buong kuwento sa kanyang vlog:
'Prima Donnas' star Will Ashley recalls most memorable vlogging experience
'Prima Donnas' star Will Ashley now has 100K subscribers on YouTube