GMA Logo Mika Salamanca and Will Ashley
Source: Mika Salamanca (YT)
What's Hot

Will Ashley, inamin na ni-reject ni Mika Salamanca nang manligaw siya rito noong isang taon

By Mark Joseph F. Carreon
Published August 12, 2026 4:28 PM PHT
Updated August 12, 2026 5:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

The Young Achievers Podcast: Carlos Yulo on embracing failure
Faithful attend Pope Leo’s general audience amid a heatwave, at the Vatican
One Mindanao: August 12, 2026 | Livestream

Article Inside Page


Showbiz News

Mika Salamanca and Will Ashley


Inamin ni Will Ashley na minsan na siyang ni-reject ni Mika Salamanca.

Isang nakakagulat na pahayag ang ikinuwento ng Delivery Boi star na si Will Ashley sa vlog ng Kapuso actress na si Mika Salamanca, kung saan ibinahagi niyang minsan na siyang tinanggihan nito nang subukan niyang manligaw rito noon.

Sa naturang vlog, sumalang ang dalawa sa isang “24 Hours Jowa Challenge” na siyang naging hiling ni Will sa naunang vlog nila kung saan sorpresa siyang dinala ni Mika sa Vietnam para magbakasyon. Dahil napagpasyahan nilang mag-extend pa sa kanilang pagpunta sa nasabing bansa, naisipan ni Will na ituloy ang naturang challenge para sa susunod na video ng aktres.

Sa pagtatapos ng araw, sa dulo ng naturang vlog, nagbiro si Mika na patapos na rin ang challenge kung kaya't kailangan na nila magpaalam bilang “mag-jowa” sa mga viewers ng vlog.

“Just like any challenges; we reached [the end of] our contract, we reached our deadline ng ating contract. Kailangan na natin magpaalam sa ating mga viewers as mag-jowa,” pabirong sabi ni Mika.

“Ayoko nga,” pabiro namang tugon ni Will.

Sinundan pa ito ng aktor ng isang hirit tungkol sa nakaraan nilang dalawa: “Tingnan mo may end tuloy. Kung 'di mo ako binasted last time, edi araw-araw tayong ganito.”

Bahagyang napatawa ang aktres sa patama ni Will ngunit agad ding iniwasan ang usapin sa pagsasabing, “That's a topic for another day.”

Sa kabila ng biroan, naging seryoso si Will sa pagpapahayag ng kaniyang pasasalamat sa naging takbo ng kanilang relasyon.

“Pero again, we are grateful na that happened. Look at us now,” saad ng aktor.

Pagsang-ayon naman ni Mika sa magandang samahan na mayroon sila ngayon, “Look at us now, we're stronger as friends.”

Bago tuluyang magtapos ang video, nagpasalamat pa si Mika sa pagkakataong maging partner ng aktor sa loob ng isang araw.

“It's been a pleasure to be your girlfriend today, sir. I hope I made you smile today,” dagdag pa ng aktres.

Diretsahan at puno ng kilig namang sumagot si Will upang iparamdam ang kaniyang saya sa piling ng dalaga, “Everyday naman!”

Matatandaang pa noong Agosto ng nakaraang taon, nagkasama na ang dalawa sa isang vlog kung saan sumalang sila sa “Lie Detector Challenge” kung saan hindi na itinago ng aktor na si Mika ang pinakanakakakuha ng kaniyang atensyon sa mga naging kasama nila sa PBB Celebrity Collab Edition Season 1.

“Well, I think everyone knows naman na about this. Kasi since first week na sabi ko na, 'di ba?” ani Will.

Samantala, sa isang kuwentuhan ng mga lalaking housemates, tinanong siya ng Kapamilya actor na si Emilio Daez kung sino sa mga kababaihan ang nais niyang lapitan at subukang ligawan, kung saan ang pangalan ng aktres ang kaniyang itinuro.

“[Magko-confess] ako kay Mika kasi kilala ko siya sa social media lang. Siguro ang iko-confess ko sa kaniya is I wanna be friends with you more kahit sa labas. Sobrang bumilib ako kung paano siya mag-isip, kung gaano siya ka-strong as a person and kung gaano siya ka-understanding sa lahat ng bagay,” sagot ng aktor.

Dagdag pa niya, “Gusto ko lang na ma-prove niya sa lahat ng tao kung sino talaga siya hindi lang sa kung paano siya nakilala sa social media.”

Nakatakda ring bumida sa paparating at inaabangang GMA Afternoon Prime series na Delivery Boi.

Related Gallery: Will Ashley and Mika Salamanca serve major kilig in adorable new parallel photos