
Ikinuwento ni Will Ashley ang ganda ng samahan nila ni Bianca De Vera.
Sina Will at Bianca ay nagkasama sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition bilang housemates. Sila rin ay naging bahagi ng GMA Network and ABS-CBN collaboration series na Unbreak My Heart noong 2023.
Ayon kay Will, masasabi niyang maganda ang pagkakaibigan nila ni Bianca. Inilahad niya ito sa guesting nila ni Ralph de Leon sa YouLoL Original na Your Honor na umere nitong July 19.
PHOTO SOURCE: @willashley17/ @biancadeveraa
Kuwento ni Will, "Noong nagkaroon kami ng show ni Bianca parang talagang nagkaroon kami ng relationship. Parang good, good friends."
Paliwanag pa ni Will ay nagsuportahan sila dahil mabuti silang magkaibigan.
"Legit good friends talaga kami. We support each other, lahat nandoon. Sama sa ganito, problema sabihan, shoulder to cry on talaga. Ganoong type."
Naging diretso naman si Will sa pag-amin na hinahangaan niya si Bianca. Ani Will, "Very vocal talaga ako, hinangaan ko talaga siya sa pagiging masipag niya sa work, lahat, dedication, very passionate talaga."
Sina Will at Bianca ay kilala rin bilang WillCa.
Panoorin ang kuwento ni Will sa Your Honor:
SAMANTALA, NARITO ANG CASUAL LOOKS NI WILL ASHLEY: