GMA Logo Will Ashley
Source: willashley17 (IG)
What's Hot

Will Ashley, inspired sa trabaho dahil sa mga pagkilala

By Marah Ruiz
Published December 12, 2025 2:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Olivia Rodrigo at Louis Partridge, hiwalay na– report
Fire hits over 20 houses in separate incidents in Cebu City
Marian Rivera meets Hirono creator Lang and gets an autographed illustration

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley


Nakakahugot si Will Ashley ng inspirasyon sa trabaho mula sa mga natatanggap na pagkilala.

Mas naging inspired pa sa trabaho si Kapuso actor at PBB alum Will Ashley.

Kumukha daw kasi siya ng inspirasyon mula sa mga pagkilalang natatanggap niya bilang aktor.

Matatandaang pinaranglan si Will bilang Best Supporting Actor sa PMPC Star Awards for Movies para sa pagganap niya sa award-winning film na Balota.

Isa rin siya sa napili bilang "Makabata Star" sa Anak TV Seal Awards.

"Sobrang natuwa ako. Nagbunga lahat at nakita ng mga tao," pahayag niya.

Happy din si Will na hindi lang isa kundi dalawa ang pelikula niya sa upcoming Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Bahagi siya ng Bar Boys: After School na sequel na much-loved at critically acclaimed 2017 film na Bar Boys.

Gaganap siya dito bilang Arvin, isang working student na pinagsasabay ang law school at pagiging breadwinner ng pamilya.

Ang isa pang pelikula ni Will ay ang Love You So Bad kung saan co-stars niya ang kapwa PBB alums na sina Dustin Yu at Bianca de Vera.

"Sobrang grateful kahit na medyo pagod. Nandoon pa rin po, mas nanginibabaw 'yung kasiyahan kasi ito lang 'yung pinangarap lang namin dati, pinangarap ko dati," lahad ni Will.

KILALANIN ANG IBA PANG MGA ARTISTANG MAY DALAWANG ENTRIES SA 2025 METRO MANILA FILM FESTIVAL:



Panoorin DIN ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.