
Ipinagdiwang ni Sparkle actor-singer Will Ashley ang kanyang 24th birthday kamakailan.
Ayon sa "Chika Minute" report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, lumipad patungong Taiwan ang Delivery Boi star kasama ang kanyang pamilya at co-star na si Mika Salamanca.
"Kasama ko 'yung mga mahal ko sa buhay, kumpleto talaga. And si Mika, kahit na busy talaga, minake sure niya na magkaroong time para makapag-travel sa Taiwan para makasama namin, makasama ko for my birthday, and I really appreciate her sobra talaga," kwento niya.
Bukod dito, dinagsa ng fans ang recent album launch ni Will na naganap sa SM North EDSA Skydome.
"Sobrang nakakatuwa. Again, I'm so blessed to be here, to be able to make other people happy, to inspire them," pagbabahagi niya.
Nakasama pa rito ng actor-singer ang kanyang final duo partner sa Pinoy Big Brother na si Ralph De Leon. Napuno pa ng kilig vibes ang naturang event dahil kabilang din sa special guest artists si Mika at nagkaroon pa sila ng duet performance ni Will on stage.
Related gallery: Will Ashley captivates fans at his 'Liham' album launch