
Isang lumalagablab na balita na puno ng confidence at good vibes ang bumida sa segment na “Breaking Muse” ng It's Showtime!
Nitong Lunes (July 21), bumisita bilang guest judge ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition star na si Will Ashley, kasama sina Max Collins at Negi.
Pero bukod sa kanila, isa pang kilalang mukha ang ikinatuwa ng fans. Walang iba kundi ang Survivor Philippines alumna na si Patani Daño!
Tulad ng dati, dala ni Patani ang kanyang signature energy at self-love.
"Simula po talaga noong ipinanganak ako, I really love myself talaga. That's why I tell myself 'Very beautiful! Oh my gosh!'" ani Patani habang aliw na aliw ang audience.
Napansin ni Anne Curtis ang pagiging kumpiyansa ni Patani sa sarili, lalo na sa kanyang pagsasalita. Dito niya naibahagi ang kanyang Kapuso journey.
"From Survivor Philippines po talaga ako. Tapos naging show ko is Unang Hirit, naging host po ako doon," proud niyang kwento.
Aminado si Patani na matagal na niyang pangarap na makapunta sa It's Showtime.
"Ang tagal-tagal na kasi ng It's Showtime. Tapos ngayon kasi, hindi n'yo ako gine-guest ba kaya gumawa na lang ako ng paraan para makarating dito and finally I'm here! Oh my gosh! It's my pleasure. I'm so happy," sabi niya na may halong biro.
Hindi lang iyon! Natuwa ang fans nang aminin ni Patani na taken na siya. Pero may pahabol siyang banter nang tanungin kung sino ang kamukha ng kanyang partner.
"Ay ikaw na lang siguro, Will. 'Wag ka nang magreklamo kasi magkahawig talaga kayo," ani Patani.
Hindi nagpahuli si Will sa kulitan, "'Di na talaga ako magrereklamo, kuhang-kuha mo ko e."
Nagpakilig pa lalo si Will nang mag-sample ng linya ng manliligaw.
"You know, Patani, ang ganda-ganda mo. Kung bibigyan mo ko ng pagkakataon na mas makilala ka, 'di ko sasayangin 'yun," sabi ni Will.
Witty rin ang sagot ni Patani, "Thank you so much Will, a. Alam mo mahaba kasi 'yung pila e. Okay lang ba? Mag-antay ka nalang. Baka maabutan ka ng cut-off. Pero ang laki ng chance mo talaga, promise."
"Sayang naman. Baka pwede sumingit naman," hirit pa ni Will.
"Mamaya pag-usapan na lang natin, a," pagtatapos ni Patani na muling pinasaya ang studio.
Bagamat hindi nagwagi bilang “ Breaking Muse of the Day,” pinusuan naman si Patani ng online netizens. May fans din ang natuwa sa kulitan at chemistry nila ni Will sa programa
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
Samantala, balikan ang kanilang kulitan sa 'It's Showtime', dito: