GMA Logo Will Ashley
PHOTO COURTESY: GMA News (YouTube)
What's Hot

Will Ashley, maraming natututuhan sa kanyang co-stars sa 'Delivery Boi'

By Dianne Mariano
Published August 3, 2026 3:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sara Duterte's liquidation of 125-M confi fund marred by irregularities —COA auditor
Dingdong returns, Gabbi joins as journey host
Meysulao Elementary School, 'di na nawalan ng baha! | Reporter's Notebook

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley


Kumusta kaya ang pagsalang sa taping ng Sparkle star na si Will Ashley para sa upcoming series na 'Delivery Boi'?

Sumalang na sa taping ang Sparkle actor na si Will Ashley para sa kanyang pagbibidahang serye na Delivery Boi.

Sa “Chika Minute” report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras Weekend, nararamdaman ni Will na siya ay in good company sa taping, kung saan kasama niya ang mga batikang co-star.

Ayon pa sa aktor, marami siyang natututuhan sa kanyang mga kasamahan sa serye.

“Working with them, isa pa po 'yon talaga sa sobrang nakapagpagaan sa pakiramdam ko kasi siyempre ang dami na po nilang napagdaan sa mga ganitong genre.

“So ang dami po nilang natuturo sa akin at ang dami kong napupulot na aral sa kanila,” kuwento niya.

Bukod dito, labis ang excitement ng Sparkle actor sa unang taping day kasama ang kanyang malapit na kaibigan na si Mika Salamanca.

Aniya, “Super excited kasi iba 'to sa mga napagsamahan namin before. So panibagong journey [ito] para sa aming dalawa.

“Actually, nag-uusap din talaga po kami, so naghahanda talaga kami para dito sa series.”

Kamakailan lamang ay sumalang si Will kasama ang kanyang co-stars na sina Mikoy Morales, Vince Maristela, at Gio Alvarez sa safety in riding seminar at motorcycle training bilang paghahanda para sa kanilang mga role.

Makakasama ni Will Ashley sa serye ang mga batikang aktor na sina Eric Quizon, Keempee De Leon, Meryll Soriano, Maricar De Mesa, at marami pang iba.


Related gallery: Will Ashley's career wins after his 'Pinoy Big Brother' journey