
Mukhang may isang matinding sorpresa si Will Ashley para sa kaniyang fans!
Sa Instagram Stories, ni-repost ng Sparkle artist ang Reel na ibinahagi ng StageNova Entertainment creative director na si Marvin Caldito, kung saan makikita ang event poster na nagpapakita ng mga mata ni Will.
Mas lalo pang nakaka-excite ang poster dahil nakalagay sa event details na magkakaroon siya ng show sa New Frontier Theater sa Quezon City sa October 18.
"Save the date! October 18, 2025 Saturday," isinulat ni Marvin sa kaniyang post.
Sa kaniyang repost, sabi ni Will, "Hey!!! Exciting!"
Kamakailan lang, inanunsyo rin na magkakaroon si Will ng pelikula kasama ang PBB housemates na sina Bianca De Vera at Dustin Yu sa film collaboration ng Star Cinema, GMA Pictures, at Regal Films na Love You So Bad. Bibida rin ang Sparkle artist sa Bar Boys: After School na katatapos lang ang shooting.
RELATED GALLERY: Will Ashley's transformation over the years