
Nagsalita na ang Kapuso star na si Will Ashley tungkol sa kaniyang trending moment kasama ang Kapamilya star na si Bianca De Vera.
Matatandaang kinilig ang fans nang magyakapan ang dalawa sa ginanap na Big Night ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Dahil sa naging love team nila noon sa Unbreak My Heart at sa sweet moments sa loob ng Bahay ni Kuya, agad na nag-trending online ang kanilang hug moment.
Sa pagbisita nina Will at Ralph De Leon sa Unang Hirit, hindi pinalampas ng mga host ang tanong kung ano ang reaksyon ni Will tungkol sa viral na eksena.
"Isa po iyon sobrang unexpected po," ani ng PBB almnus. "Well meron naman kaming pinagsamahan na ni Bianca kaya sobrang thank you. Thank you talaga sa mga taong sumusuporta at nakakakita ng uniqueness and genuineness."
Samantala, ikinatuwa rin ni Will ang pagiging "The Nation's Son" matapos sabihin ni Nation's Mowm Klarisse De Guzman na siya ang isa sa paborito niyang anak.
"Sobrang unexpected po talaga na naging relationship po namin ni Ate Klang. Masasabi ko na isa iyon sa pinaka genuine at sobrang ite-treasure ko," sabi ni Will.
Nagbiro pa si Will na hindi raw niya gusto kasali si Esnyr sa mga paborito ni mowm, na ikinatuwa ng hosts at fans.
Si Will at Ralph ang itinanghal na 2nd Big Placer, habang sina Brent Manalo at Mika Salamanca ang itinanghal na Big Winner sa katatapos na edisyon ng PBB.
Maaring balikan ang mga kwento ng Kapuso at Kapamilya stars sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition sa GMANetwork.com.
Samantala, tingnan ang pagkapanalo nina Ralph De Leon at Will Ashley sa PBB Celebrity Collab Edition Big Night, dito:
SAMANTALA, BASAHIN ANG MENSAHE NI RALPH MATAPOS ANG MANALO SILA NI WILL AS SECOND BIG PLACER