
Sina Ralph De Leon at Will Ashley ang latest celebrity guests sa It's Showtime.
Sa bagong post ni Will sa Instagram Stories, isang photo ang in-upload niya kung saan makikitang na-meet niya backstage ang isa sa hosts ng programa na si Anne Curtis at nagpa-picture siya rito.
Si Anne ay ang sinasabi ng marami na ka-look-alike ni Bianca De Vera, ang former Unbreak My Heart co-star at housemate ni Will sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Napakaraming fans at viewers ang patuloy na nagsi-ship kina Will at Bianca at karamihan sa kanila ay tinatawag silang WillCa at WillBi.
Samantala, sa pagbisita ng Kapuso actor sa It's Showtime, game na game niyang ipinakita kay Anne at sa Madlang People ang kanyang iconic kaldag moves.
Habang sumasayaw, kinaaliwan ito ng audience at pati na rin ng hosts ng noontime show.
Si Will ang itinanghal na Second Big Placer Winner sa hit reality show kasama ang kanyang final duo na si Ralph De Leon.
Nakilala si Will dito bilang Mama's Dreambae ng Cavite at Nation's Favorite Son.
Napanood ang programa sa loob ng apat na buwan sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaaring balikan ang moments ng ex-Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates sa loob ng Bahay Ni Kuya sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.