
Kahit nasa outside world na, marami pa rin ang patuloy na sumusuporta sa RaWi, ang tandem nina Ralph De Leon at Will Ashley sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Sumalang sa GMA Integrated News Interviews kamakailan lang sina Ralph at Will, na nagbahagi at inalala ang kanilang naging journey bilang housemates sa Bahay Ni Kuya.
Isa sa mga napag-usapan nila kasama si Nelson Canlas ay ang muntik na pagbo-voluntary exit noon ni Will dahil sa pagka-homesick.
Related gallery: Will Ashley's transformation over the years
Inamin ni Will na naisip niya noon na lumabas ng Bahay Ni Kuya ngunit nanatili siya rito dahil na rin sa housemates na nagpalakas ng kanyang loob.
Samantala, ang ex-Kapuso housemate ay nakilala sa teleserye ng totoong buhay ng mga sikat bilang Mama's Dreambae ng Cavite at Nation's Favorite Son.
Sina Ralph at Will ang itinanghal na ikalawang Big Winners sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Matatandaan na noong sila ay nasa iconic house pa, sabay silang nagsikap para makaabot sa Big 4 bilang final duo.
Napanood ang programa sa loob ng apat na buwan sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaaring balikan ang moments ng housemates sa loob ng Bahay Ni Kuya sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.