GMA Logo Will Ashley and Bianca De Vera
What's on TV

Will Ashley, na-develop na kay Bianca De Vera?

By Jimboy Napoles
Published November 9, 2023 9:59 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Physical: Asia star Robyn Brown wins silver, Olympian Lauren Hoffman takes bronze in SEA Games 400m hurdles
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley and Bianca De Vera


Friendship nina Will Ashley at Bianca De Vera, nag-level-up na nga ba?

Game na game na sumalang sa interview sa Fast Talk with Boy Abunda ang isa sa mga magka-love team sa Unbreak My Heart na sina Will Ashley at Bianca De Vera.

Sa panayam sa kanila ni Boy Abunda, inamin nina Will at Bianca na kanilang first impressions sa isa't isa ay “masungit.”

“Noong una kasi kaming nagkita hindi kami nagpansinan e. At saka parang hirap kami lumapit sa isa't isa kaya siguro nasabi ko rin na masungit siya,” ani Will.

Dugtong naman ni Bianca, “Noong una Tito Boy akala ko talaga na mahihirapan ako makasama siya kasi parang hindi nagsasalita.”

Pero paglilinaw ng dalawa, sa ngayon ay masasabi nilang nakabuo na sila ng magandang relasyon bilang magkaibigan.

Tanong naman ni Boy kay Will, “May nakapagsabi sa akin, Will, na type mo talaga si Bianca?”

Paliwanag naman ng binatang Kapuso actor, “Siguro 'yung sa ano ko, parang tineyk ko rin 'yung [payo] nila sa akin sa character, kumbaga na-in-love ako sa character and kasi kami ni Bianca kapag wala sa screen o wala sa work talagang close po talaga kami.”

Matapos ito, si Bianca naman ang tinanong ni Boy. Aniya, “Kapag niligawan ka halimbawa ni Will, may pag-asa?”

“Maybe not now, Tito Boy,” tugon ng aktres.

Dagdag niya, “Siyempre there are things na to settle on his own and me also. I think pareho kami nagkakasundo kami sa fact na inuuna talaga namin 'yung career namin at the moment. Pero siyempre we're comfortable with each other.”

Sa pagtatapos ng Unbreak My Heart, kumpiyansa sina Will at Bianca na hindi mapuputol ang kanilang pagkakaibigan at nanggaling sila magkaibang network.

“I think at the end of the day other than being friends and workmates, talagang we formed a true bonded friendship,” ani Bianca.

RELATED GALLERY: 'Unbreak My Heart' holds its finale media conference

Patuloy naman na tumutok sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA Afternoon Prime via television broadcast sa GMA at sa iba pang digital platforms.