
Sa kanyang mga recent post sa X, nagpaabot ng mensahe si Will Ashley sa kanyang mga fans, supporters, at sa publiko sa walang sawang sumusuporta sa mga official film entries sa 51st Metro Manila Film Festival noong Pasko, December 25.
Nagpapasalamat siya sa lahat ng mga nagmamahal at patuloy na tumatangkilik sa pelikulang Pilipino na tampok sa MMFF ngayong taon.
“Thank you po sa love and also thank you for supporting pelikulang pilipino!” sulat ni Will sa kanyang post. Isa ang pelikula ni Will na Love You So Bad sa mga pinag-uusapan ngayong Metro Manila Film Festival 2025, at hindi mapigilan ni Will ang magpasalamat sa mainit na pagtanggap ng publiko.
Bukod sa naturang pelikula, bibida rin siya sa isa pang film entry sa MMFF ngayong taon, ang Bar Boys: After School.
Nagpaabot din si Will ng mensahe ng pagmamahal sa fans gamit ang titles ng dalawang pelikula.
“Gusto ko lang sabihin na LOVE YOU SO BARBOYS!” sabi niya.
Thank you po sa love and also thank you for supporting pelikulang pilipino! Gusto ko lang sabihin na LOVE YOU SO BARBOYS! 🫰🏻☺️
— Will Ashley (@willashley05) December 26, 2025
Umani naman ng positive reactions mula sa netizens ang galing ni Will sa dalawang pelikula.
“Ang galing mo will! Giving you flowers for how you portray both characters. 11 years of hard work did not go to waste!” comment ng isang netizen.
ang galing mo will! giving you flowers for how you portray both characters. 11 years of hard work did not go to waste!
— j. ᶻ 𝘇 𐰁 (@hulyannaur) December 26, 2025
“Galing mo, after mo ko paiyakin sa BBAS [Bar Boys: After School], pinakilig mo naman ako ng sobra sa LYSB [Love You So Bad]!” sabi pa ng isa.
galing mo, after mo ko pinaiyak sa bbas, pinakilig mo naman ako ng sobra sa lysb !!!! 👏🏻
— ct (@skwnctn) December 26, 2025
Matapos ang kanyang PBB Celebrity Collab Edition stint, umarangkada ang karera ni Will at tuloy-tuloy ang mga project na dumarating sa kanya kabilang na nga ang dalawang pelikula na Love You So Bad kasama sina Bianca de Vera at Dustin Yu, at ang Bar Boys: After School kasama naman sina Rocco Nacino, Enzo Pineda, at iba pa.
Iboto si Will bilang New Kapuso Male Star of the Year sa kauna-unahang GMANetwork.com Awards 2025.
Mag-log in sa www.gmanetwork.com/polls at iboto ang iyong favorite Kapuso stars at shows.
Maaaring bumoto hanggang December 28 at iaanunsyo ang winners sa Kapuso New Year Countdown to 2026 ngayong December 31.
Related Gallery: Will Ashley's Transformation Over The Years