
Isang pasasalamat ang ipinarating ng Kapuso actor na si Will Ashley dahil sa parangal mula sa 6th Philippine Empowered Men & Women of the Year 2023.
Si Will na mapapanood soon sa Unbreak My Heart ay kinilala bilang Multimedia Heartthrob sa awards night na ginanap noong April 15 sa Teatrino, Greenhills, San Juan.
PHOTO SOURCE: Melvin Tagulao
Ayon kay Will inspirasyon niya sa award na ito ay ang kanyang pamilya at supporters.
"Grateful and thankful po ako sa award na ito and ang inspiration ko po dito ay ang aking mga supporters and family."
Para kay Will, malaking achievement na mabigyan ng award sa mundo ng showbiz.
"Achievement siya for me para mas gawin nang maganda ang trabaho na ibibigay sa akin. The fact lang na ma-recognize lang, para sa akin malaking achievement na po siya."
Bukod kay Will, pinarangalan din ang ibang Sparkle stars na sina David Licauco, Sofia Pablo, Allen Ansay, Jeff Moses, Kirst Viray, Ashley Rivera, Carlo San Juan, at Miggs Villasis.
NARITO ANG MGA SPARKLE STARS NA PINARANGALAN SA 6TH PHILIPPINE EMPOWERED MEN AND WOMEN OF THE YEAR 2023: