
Buong-tapang na sinagot ng Delivery Boi lead star na si Will Ashley ang ilang maiinit na katanungan tungkol sa kaniyang buhay-pag-ibig sa kaniyang pagbisita sa GTV showbiz program na Chika Cart noong Miyerkules, Oktubre 14.
Sa naturang episode, diretsahang tinanong ng “Chika Authority” na si Jeff Fernando ang Kapuso actor hinggil sa tunay na estado ng ugnayan nila ng kaniyang co-star sa upcoming GMA Afternoon Prime series na si Mika Salamanca.
Ito ay kasunod ng mga sweet social media posts ng dalawa, lalo na ang touching birthday message na ibinahagi ng aktres para sa kaniya kamakailan.
“Kung anong meron kami ngayon, we're very happy. 'Yon lang ang masasabi ko sa ngayon,” matapang na pahayag ni Will.
Ibinahagi rin ng aktor na itinuturing niyang “safe space” si Mika dahil sa labis na kaginhawaan at kasiyahang nararamdaman niya tuwing magkasama sila.
“Sinabi ko rin 'to sa isang interview ko, si Mika 'yung safe space ko. Every time na magkasama kami, I'm happy, we're happy. 'Yon naman 'yung nagma-matter talaga,” dagdag pa niya.
Samantala, inusisa rin siya ng “Chika Influencer” na si Baninay Bautista tungkol sa naging karanasan niya nang unang idecline ni Mika ang kaniyang panliligaw.
“Si Mika kasi very straightforward, wala siyang paligoy-ligoy, pero bibigyan ka niya ng mga dahilan niya,” kuwento ni Will.
Inamin ng aktor na inunawa niya ang naging tugon ni Mika noon dahil naniniwala siyang hindi pa iyon ang tamang panahon para sa kanila.
“Nu'ng time kasi na 'yon, talagang hindi pa ina-allow ng panahon, hindi pa rin ina-allow ng sitwasyon, and hindi ko rin naman talaga siya masisisi sa sagot niya nu'ng time na yun. And actually, nag-make sense talaga nung mga time na 'yun kasi sabi ko, oo nga, masyadong mabilis,” paliwanag ni Will.
Dahil dito, nakiusap si Will ng isang buwan kay Mika upang patunayan ang kaniyang sarili at ang kaniyang magandang layunin.
“Pero ayun nga, nung time na 'yun, sabi ko, oo nga tama nga naman siya. So parang after a month, nagsabi ako sa kanya ng bigyan mo ko ng one month, ipapakita ko sa'yo 'yung kaya ko,” pahayag ni Will.
Nang tanungin kung ano ang pagkakaiba ng una at ikalawa niyang pagsubok na manligaw sa aktres, binigyang-diin ni Will na mas natuto na siyang magpakita ng nararamdaman at maging mas matapang sa pag-ibig.
“Well siguro ngayon, natuto na akong mag-express ng feelings. Kasi parang 'yung mindset ko, take the risk or lose the chance. All or nothing talaga, kasi parang binigyan ka ng chance, kahit sa anong bagay, 'di ba, 'pag binigyan ka ng chance, gawin mo na, atleast wala kang regrets,” pagbabahagi ng Kapuso actor.
Abangan sina Will at Mika sa upcoming GMA Afternoon Prime series na Delivery Boi simula October 19.
Makakasama ng dalawa ang ilan sa mga premyado at mahuhusay na aktor na sina Keempee De Leon, Meryll Soriano, Maricar De Mesa, Gio Alvarez, Mikoy Morales, Yasser Marta, Vince Maristela, Angellie Sanoy, Juharra Asayo, at Eric Quizon.
Kukumpletuhin naman ang cast nina Ariel Villasanta, Baninay Bautista, Jemwell Ventinilla, Ryan Viray, at Limuel Mendoza.
Samantala, panoorin ang Chika Cart para sa hottest and trending showbiz stories. Mapapanood ito Lunes hanggang Biyernes, 5:15 p.m. hanggang 6:00 p.m. sa GTV, ATM (Adventure.Taste.Moments) YouTube at sa GMA Network TikTok account!
Mapapanood din ang Catch-Up Episode sa Kapuso Stream tuwing 9:30 p.m.
Huwag din palampasin ang Chika Cart Add Pa More! tuwing 6:00 p.m. hanggang 6:30 p.m. sa ATM (Adventure.Taste.Moments) YouTube at sa GMA Network TikTok account.
Manatiling updated sa mga pinakabagong chika, exclusive content, at trending topics sa pamamagitan ng pagbisita sa opisyal na GMA Network website at social media pages ng Chika Cart:
Facebook: https://www.facebook.com/ChikaCartGTV
Instagram: https://www.instagram.com/chikacartgtv/
X: https://x.com/ChikaCartGTV
Related Gallery: Mika Salamanca and Will Ashley spread major kilig in new 'Bedazzled' parallel photos