GMA Logo Will Ashley Maki Gian Bernardino
Courtesy: willashley17 (IG), clfrnia_maki (IG)
Celebrity Life

Will Ashley nakipag-bonding kina OPM artists Maki at Gian Bernardino

By EJ Chua
Published September 29, 2025 4:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Father, 2 kin arrested over gang rape of daughter
Farm to Table: (December 7, 2025) LIVE
Car driven by cop falls into ravine in Balamban, Cebu

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley Maki Gian Bernardino


Friendship goals sina Will Ashley, Maki, at Gian Bernardino!

Tila solid na ang pagkakaibigan nina Will Ashley, Maki, at Gian Bernardino.

Sa latest Instagram post ni Will, ibinahagi niya ang cool bonding moments niya kasama ang OPM artists na sina Maki at Gian.

Magkakasamang nag-explore ang tatlo sa live escape room game na Mystery Manila.

“Fun times [smile emoji],” sulat ng Sparkle star sa caption ng kaniyang post.

Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 11,000 heart reactions ang post ni Will.

A post shared by Will Ashley (@willashley17)

Mapapanood naman sa TikTok na nag-enjoy din ang tatlo sa paglalaro ng bowling.

Ayon sa caption nito, “Video mon ako kailangan strike @maki, @gianbernardino.”

@willxashley Video mo ako kailangan strike! @Maki *ੈ✩‧₊˚ @Gian Bernardino ♬ original sound - Nostalgia

Mayroon na ngayong 381,000 views ang naturang video sa TikTok.

Samantala, sa ilang interviews, sinabi ni Gian na sinuportahan nila si Will noong nasa loob pa ito ng Bahay Ni Kuya lalo na't ang huli ang nagmistulang mukha ng kanilang mga kanta dahil sa video edits ng kanilang fans at viewers ng palabas.

Kasalukuyang abala si Will sa Love You So Bad, ang upcoming movie nila ng kaniyang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition ex-housemates na sina Bianca De Vera at Dustin Yu.

Related gallery: WillCa, DustBia's upcoming movie, excites fans; trends online