
Ang Star Magic artist na si Jane de Leon ang pinakabagong houseguest sa Bahay Ni Kuya sa GMA and ABS-CBN's collaboration project na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Sa isa sa mga episode ng pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay, ibinahagi ni Jane ang ilang karanasan niya sa paninirahan niya sa iconic house.
Isa na rito ay ang panaginip niya tungkol sa Kapuso housemate at Sparkle star na si Will Ashley.
Sabi ng Kapamilya houseguest kay Will habang sila ay nasa kitchen area, “Alam mo, Will, ikaw naligaw ka sa panaginip ko.”
“Oh, anong nangyari?” tanong ni Will.
Sagot ni Jane, “Ewan ko, parang bumisita ka ng bahay. Ang random, bahay, bahay ko. Ang weird nga kasi nung first day ko rito, ang napanaginipan ko lang ['yung dito sa Bahay Ni Kuya].”
Sa ilang posts online, mababasa ang reaksyon ng viewers at netizens na tila kinilig kina Jane at Will.
Samantala, si Jane ang ka-duo ni Bianca Umali bilang houseguest sa Bahay Ni Kuya.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, weekdays 10:05 p.m. at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Maaari ring silipin ang mga kaganapan ngayon sa loob ng Big Brother house sa All-Access Livestream ng programa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol dito sa GMANetwork.com at iba pang social media platforms ng GMA at ABS-CBN.
RELATED CONTENT: Celebrity houseguests sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition