
Panibagong kilig vibes ang dala ng Sparkle star na si Will Ashley sa bagong video na inupload niya sa social media.
Embed gallery: Will Ashley's transformation over the years
Mapapanood dito na game na game at makulit na ginawa ni Will ang TikTok trend na “Sugar on My Tongue.”
Umani ng iba't ibang reaksyon mula sa fans at netizens ang entry ng tinaguriang Nation's Son.
Ayon sa ilan, masaya silang pinagbigyan ni Will ang request nila na subukan niya ang naturang TikTok trend lalo na't bagay umano ito sa kanya.
Sa kasalukuyan, mayroon nang mahigit 600,000 views at 130,000 heart reactions ang video na inupload ng tinaguriang Nation's Son nito lang September 29 ng gabi.
@willxashley HWHAHAHAHAHAHAH
♬ original sound - altina
Si Will at ang kanyang final duo na si Ralph De Leon ang itinanghal na Second Big Placer Duo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Nakilala siya sa reality competition bilang Mama's Dreambae ng Cavite at kalaunan ay binansagang Nation's Son.
Bibida si Will sa upcoming film na Love You So Bad, kung saan co-lead stars niya ang kanyang ex-housemates na sina Bianca De Vera at Dustin Yu.
RELATED GALLERY: WillCa, DustBia's upcoming movie, excites fans; trends online