
Sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition, hindi lang duo ang napa-partner dahil minsan, nagkakaroon din ng loveteam. Ilan sa mga nabuong loveteam sa programa ay sina Will Ashley at Bianca de Vera, at sina Ralph De Leon at AZ Martinez.
Sa pagbisita nina Will at Ralph sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, July 10, may inamin ang dalawang aktor tungkol sa relasyon nila kina Bianca at AZ.
Matatandaang noong Big Night, makikita si Will at si Bianca na nagyakapan sa stage. Pagbabahagi ng aktor, nasa loob pa lang sila ng Bahay ni Kuya nang mabanggit ni Bianca na gusto niyang makaabot man lang bilang isa sa mga Big Four.
“Pangarap niya po maging parte ng Big Four so ang nabanggit ko po sa kanya nu'ng time na 'yun, 'Sayang.' Gusto ko kasi magkasama kami sa stage e. Gusto ko po na mai-share din sa kanya 'yung stage since lagi po niya sinasabi sa akin na gusto niya maging parte ng Big Four,” sabi ni Will.
Dagdag pa ni Will, ipinahayag din niya kung gaano siya ka-proud sa dating kapwa housemate.
Ibinahagi rin ni Will na wala sa kanila ni Bianca ang humingi ng permiso kung maaari ba nilang yakapin ang isa't isa.
“Kasi parang ano na po sa aming mga housemates 'yun na magyayakapan, kumbaga 'yun po 'yung love language namin,” sabi ni Will.
Samantala, kinumpirma din ni King of Talk Boy Abunda ang sinabi umano ni Ralph na gusto nitong mapanatili ang kanyang mga prinsipyo nang mapag-usapan ang pakikipag-love team kay AZ sa loob ng bahay ni Kuya.
Sabi ni Ralph, nabanggit nga niya iyong multiple times, at nagpaliwanag kung ano ang ibig sabihin niya dito, “'Yung gusto ko lang po talaga was to be known as myself and as an individual po talaga 'cause that's the one thing.”
Pagpapatuloy pa ng aktor, “Hindi naman po principles per se, pero it's just my goal of going inside the house was to show who I was and gusto ko po talaga magpakilala as me.”
Dagdag pa ng Kapamilya actor, hindi na sana niya kailanganin ng loveteam para matupad ang naturang goals niya.
Nang tanungin siya kung nasaan na ang kanilang relasyon ni AZ, sagot ni Ralph, “Ngayon po, we are very good friends, very good friends.”
Panoorin ang panayam kina Will at Ralph dito:
BALIKAN ANG HOUSEMATES NG 'PINOY BIG BROTHER CELEBRITY COLLAB EDITION' SA GALLERY NA ITO: