GMA Logo will ashley reacts on bts dynamite
Celebrity Life

Will Ashley reacts to the music video of BTS's "Dynamite"

By Aaron Brennt Eusebio
Published September 2, 2020 5:12 PM PHT
Updated September 2, 2020 5:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Easterlies to bring cloudy skies, rain over Palawan, VisMin
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

will ashley reacts on bts dynamite


“Parang gusto ko siyang sayawin!” Will Ashley said while watching the music video of BTS's first all-English song 'Dynamite.'

“Mapapaindak ka talaga.”

Ito ang reaksyon ng Kapuso teen actor na si Will Ashley matapos niyang panoorin ang record-breaking music video ng BTS na "Dynamite."

Bago magsimula, pinaliwanag ni Will na minsan lang siya makinig ng K-Pop pero nagugustuhan naman niya ito.

Saad niya sa kanyang vlog, “I'm not into K-Pop talaga, mga ka-solid, but sometimes, pinapakinggan ko 'yung mga music nila and nagugustuhan ko.”

“Bakit BTS? Kasi, mga ka-solid, currently, sila 'yung sikat na boy group ngayon.”

Will Ashley

Magustuhan kaya ni Will Ashley ang kanta ng BTS na 'Dynamite?' / Source: willashley17 (IG)

Matapos niyang panoorin ang music video, nagustuhan niya kung gaano kabuhay mag-perform ang BTS.

Aniya, “Bukod sa may itsura sila, may talents pa sila.”

“Ang galing nila sumayaw, kumanta, at kung paano nila i-deliver 'yung bawat linya, bawat lyrics, talagang ang linaw, 'tsaka mapapaindak ka talaga.

“'Tsaka 'yung pagka-lively nila habang ginagawa 'yung Dynamite, sobrang nagustuhan ko.”

Sinagot din ni Will kung sino ang kanyang bias sa BTS members na sina Jungkook, V, Jimin, Agust D, Jin, RM, at J-Hope.

Sino kaya? Panoorin ang latest vlog nig Will:

Ang "Dynamite" ang most-viewed video sa YouTube sa unang 24 hours nito na mayroong mahigit 101.1 million views.

BTS show playful side in "B-side" version of hit "Dynamite"

BTS's Jungkook breaks a TikTok record even if he doesn't have an account