
Reunited sa kanyang furbaby ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition Big Four finalist na si Will Ashley.
Sa Instagram Stories, isang photo ang in-upload ni Will, kung saan makikitang buhat niya ang kanyang pet na isang Chartreux cat.
Ayon sa kanyang caption, “Missed my baby.”
Ang pangalan ng pet cat ng Sparkle actor ay isinunod sa pangalan ng karakter niya noon na si Jerry sa Unbreak My Heart.
Dumalo si Will kamakailan lang sa isang fundraising gig na tinawag na “Meowsika at Barkadahan” kasama ang isa sa mga nakasama niya sa Bahay Ni Kuya, Unbreak My Heart co-star, at kapwa niya fur parent na si Bianca De Vera.
Ang naturang event ay pinangunahan ng WillCa (Will and Bianca) fans, na ang goal ay maipakita ang suporta sa non-profit organization na Pawssion Project.
Samantala, si Will at ang kanyang ka-tandem sa iconic house na si Ralph De Leon ang itinanghal na Second Big Placer Duo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Related content: Sparkle's big homecoming surprise for Mika Salamanca, Will Ashley, Charlie Fleming, and AZ Martinez