What's Hot

Will Ashley, Royce Cabrera, Raheel Bhyria, thankful na nakatrabaho si Marian Rivera sa 'Balota'

By Dianne Mariano
Published July 12, 2024 3:59 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tech innovator Dado Banatao passes away at 79
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley Royce Cabrera Raheel Bhyria


Mapapanood din sa Cinemalaya movie na 'Balota' ang mga binatang aktor na sina Will Ashley, Royce Cabrera, at Raheel Bhyria.

Bukod sa production team ng Balota, thankful din ang cast members ng pelikula na nakatrabaho si Marian Rivera. Kabilang na rito nina Sparkle stars Will Ashley, Royce Cabrera, at Raheel Bhyria.

“Forever kong iche-cherish 'to," ani Royce sa panayam sa kanya ni Vonne Aquino para sa Balitanghali.

Patuloy niya, "At the same time, hindi lang kasi 'yun... dahil siyempre alam naman natin star si Ms. Marian, kung hindi dahil 'yung pakikisama niya rin sa amin. The way siya magbigay siya ng pagkain, the way siya makitungo, maki-chikahan, makipag-usap. Ang laking bagay din no'n na talagang na-appreciate namin nang sobra,”

Labis naman ang saya ni Will na nakatrabaho ang Kapuso Primetime Queen sa Balota.

Aniya, “Sobrang saya. Noong una, sobrang nahihiya pa ako kasi parang ilang years gusto ko na talagang makatrabaho si Ate Yan dahil nakatrabaho ko rin si Kuya Dong (Dingdong Dantes).”

Samantala, sa isang panayam, ibinahagi ni Marian na nais niyang muling makatrabaho ang direktor ng Balota na si Kip Oebanda at mami-miss niya ang lahat ng bumubuo sa pelikula.

“Gusto ko uli siyang makatrabaho. May separation anxiety kaming dalawa. Parang seven days lang kaming halos magkatrabaho pero sabi ko, 'Bakit gano'n? after matapos 'yung Balota, naiiyak ako.' Mami-miss ko 'tong Balota. Mami-miss ko lahat ng kasama ko rito,” saad niya.

Mapapanood ang Balota sa 2024 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival simula August 2 to 11. Ito ay co-produced ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group, in cooperation with Cinemalaya.

Naganap ang press conference ng Cinemalaya 2024 noong nakaraang Miyerkules, July 10, sa Manila kung saan pormal na iprinisenta ang finalists para sa short at full length films kasama ang kanilang mga direktor at cast.