
May heartfelt moment ang Nation's Son na si Will Ashley sa kanyang successful concert.
Sweet na sweet na hinarana ni Will Ashley ang kanyang Mommy Mindy ng hit na kanta ng SB19 na pinamagatang "MAPA."
Habang kumakanta, bumaba ng stage ang Sparkle star, binigyan ng flowers ang kanyang mommy, at saka niya sinundo ang huli mula sa audience seats.
Kasunod nito, naging emosyonal sina Will at Mommy Mindy habang magkasama silang nakatayo sa stage.
Naganap ang concert ni Will Ashley nitong Sabado, October 18, sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.
Matatandaan na kamakailan lang, kinilala ng Manila Film Critics Circle Awards si Will Ashley bilang Best Supporting Actor para sa kanyang commendable performance sa pelikulang Balota.
Kasunod nito, nakatanggap ng parangal ang Sparkle star mula sa 7th VP Choice Awards ng Village Pipol Magazine. Siya ay second placer para sa PIPOL's Face of the Year Male category.
Isa si Will Ashley sa sought-after actors ngayon ng GMA Network. Siya at ang kanyang final duo na si Ralph De Leon ang Second Big Placer Duo sa previous collaboration ng GMA at ABS-CBN na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Bibida si Will Ashley sa upcoming film na Love You So Bad, kung saan kasama niya bilang co-lead stars ang ilan sa kanyang former PBB celebrity housemates na sina Bianca De Vera at Dustin Yu.
Bukod dito, kabilang din si Will sa pelikulang Bar Boys: After School, na gaya ng Love You So Bad ay isa rin sa entries sa Metro Manila Film Festival o MMFF ngayong taon.
RELATED CONTENT: Will Ashley's transformation over the years