
Nakatanggap ng panibagong award ang Sparkle actor na si Will Ashley.
Related gallery: Will Ashley's transformation over the years
Sa recently concluded 7th VP Choice Awards ng Village Pipol Magazine, second placer si Will bilang PIPOL's Face of the Year sa male category.
Si Will ang sa sa sought-after actors ngayon ng GMA Network.
Siya at ang kanyang final duo na si Ralph De Leon ang Second Big Placer Duo sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Sa Manila Film Critics Circle Awards, nakatanggap ng parangal ang Kapuso star, kung saan kinilala siya bilang Best Supporting Actor para sa kanyang role sa 2024 Philippine political thriller film na Balota.
Si Will ay kabilang sa cast ng upcoming multi-genre series na The Secrets of Hotel 88, ang isa sa mga bagong collaboration project ng GMA at ABS-CBN.
Mapapanood din ang Kapuso actor sa upcoming film na Love You So Bad, kung saan makakasama niya ang ilan sa kanyang former housemates na sina Bianca De Vera at Dustin Yu.
Bukod sa mga unang palabas na nabanggit, kabilang din si Will sa pelikulang Bar Boys: After School, na gaya ng Love You So Bad ay isa rin sa entries sa Metro Manila Film Festival o MMFF ngayong taon.