GMA Logo  Will Ashley
Celebrity Life

Will Ashley teases dapper look for the GMA Gala 2025 in black and white snaps

By EJ Chua
Published August 2, 2025 6:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

300-year-old pulpit in Maragondon church collapsed; assessment underway
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

 Will Ashley


Ready na ang Nation's Favorite Son na si Will Ashley sa GMA Gala 2025!

Isa si Will Ashley sa celebrities na talaga namang inaabangan ng viewers at fans sa GMA Gala, ang much-awaited event ng GMA Network ngayong taon.

Sa latest Instagram post ni Will, ipinasilip niya sa pamamagitan ng black and white photos ang kanyang dapper look na ibibida niya sa pagdalo sa engrandeng event.

Mapapansin na handang-handa na ang Sparkle actor at ang kanyang stylish outfit para sa blue carpet ng GMA Gala 2025.

Sa tatlong photos, makikita ang iba't ibang pose ni Will na nagsilbing patunay na kaabang-abang ang kaniyang handsome look sa naturang event.

Kakabit ng photos ay ang simple caption ni Will na, “See you? #GMAGala2025.”

Sa kasalukuyan, mayroon nang halos 40,000 heart reactions ang black and white photos niya sa Instagram.

A post shared by Will Ashley (@willashley17)

Si Will ay kilalang-kilala ngayon sa Philippine entertainment industry bilang Nation's Favorite Son at Mama's Dreambae ng Cavite matapos siyang maging parte ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

Siya at ang kanyang final duo na si Ralph De Leon ang itinanghal na Second Big Placer Duo sa nabanggit na recently concluded collaboration project ng GMA at ABS-CBN.

Related gallery: Sparkle's big homecoming surprise for Mika Salamanca, Will Ashley, Charlie Fleming, and AZ Martinez