GMA Logo Will Ashley
Source: willashley17 (IG)
What's Hot

Will Ashley, wagi bilang 'Best Actor' sa Platinum Stallion National Media Awards 2026

By Mark Joseph F. Carreon
Published February 4, 2026 3:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Basyang death toll now 12 — OCD
NBA: With Luka Doncic sidelined, Lakers top Stephen Curry-less Warriors
Boy Abunda hosts online series about money, investing, and financial goals for 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Will Ashley


Congratulations “Nation's Son” at Kapuso actor, Will Ashley!

Hinirang si Sparkle star Will Ashley bilang “Best Actor” sa katatapos lamang na Platinum Stallion National Media Awards 2026 para sa kanyang mahusay na pagganap sa Metro Manila Film Festival 2025 entry na Bar Boys: After School.

Ang Platinum Stallion National Media Awards ay inorganisa ng Trinity University of Asia na naglalayong kilalanin ang mga natatanging mga personalidad at mga programa na naghatid ng mahalaga at makabuluhang ambag sa media at entertainment industry.

Mahusay na ginampanan ni Will ang kanyang karakter bilang si 'Arvin' sa naturang pelikula na nag-uwi rin ng “Film of the Year” sa taong ito.

Kasama pa ng aktor na nagkamit ng parangal ang direktor na si Kip Oebanda bilang “Director of the Year” at ang kapwa cast na si Sassa Gurl bilang “Breakthrough Artist of the Year.”

Source: Bar Boys After School (X)

Marami namang fans ni Will ang nagpaabot ng kani-kanilang mga pagbati sa aktor maging sa buong team ng pelikula.

“Hakot awards. Congratulations sa lahat ng winners ng BBAS,” komento ng isang netizen.

“Congrats sa BBAS Team lalong lalo na kay Nation's Son [Will Ashley] and Direk Kip,” ani ng isang fan.

“So proud of you Arvin Asuncio [Will Ashley],” sabi pa ng isang netizen.

Abala ngayon si Will sa kanyang upcoming series kasama ang kanyang co-housemates sa GMA Network and ABS-CBN collaboration na The Secrets of Hotel 88.

Related Gallery: Meet Will Ashley, The All-Round Star To Watch