What's Hot

Will Ashley, willing tumulong upang magkaayos sina Jillian Ward, Sofia Pablo

By EJ Chua
Published November 30, 2025 8:01 AM PHT
Updated July 10, 2025 7:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2025 SEA Games: Gilas Women dethrone Indonesia, reach gold medal match
3 positive during drug test at terminal in Davao City
Angel Guardian and Kelvin Miranda front local lifestyle magazine

Article Inside Page


Showbiz News

will ashley


Will Ashley sa isyu diumano sa pagitan nina Jillian Ward at Sofia Pablo: “Ako 'yung nasa gitna nilang dalawa since pareho ko silang kaibigan."

Matapos ang kanyang journey sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, tila isang task ang nais pang gawin ni Will Ashley hindi bilang housemate kundi bilang isang kaibigan.

Sa kanyang recent guestings sa GMA Integrated News Interviews at Fast Talk with Boy Abunda, ilang katanungan tungkol sa unsettled issue sa pagitan nina Jillian Ward at Sofia Pablo ang sinagot ni Will.

Sa report ni Nelson Canlas tungkol sa Second Big Winner na RaWi (Ralph De Leon at Will Ashley), nagbigay ng pahayag ang huli tungkol sa hindi pagkakaunawaan nina Jillian at Sofia.

Ayon sa Sparkle actor, “Kung mabibigyan ako ng pagkakataon at pareho po silang bukas para mag-usap or maayos kung ano man po talaga 'yung pinagmulan or ano po 'yung napakaraming rason po nun, gagawin ko po.”

Ang naturang panayam ay para sa "GMA Integrated News Interviews," na ipinalabas 24 Oras.

Sinundan pa ito ng pahayag ni Will sa Fast Talk with Boy Abunda, kung saan nilinaw niyang wala siyang alam kung ano ang issue na matagal nang hindi naaayos sa pagitan ng dalawa niyang kaibigan.

Sabi niya, “Actually, Tito Boy, parang sa pagkakaalam ko po… parang sa Prima [Donnas] po ito nag-start. Lagi ko pong sinasabi na hindi po 'yun para sa akin na i-kuwento ko kasi sila po 'yung makakapag-ayos nun.”

Sinagot din niya ang tanong ni Tito Boy Abunda kung siya ba ang dahilan ng nangyari kina Jillian at Sofia.

“Hindi po, pero ako 'yung nasa gitna kasi nilang dalawa since pareho ko po silang kaibigan,” seryosong sinabi ni Will.

Panoorin ang kabuuan ng interview sa video sa itaas.

Samantala, matatandaang January ngayong taon, kinumpirma ni Sofia Pablo sa GMA Integrated News Interviews na mayroon nga silang hindi pagkakaunawaan ng kanyang fellow Sparkle star na si Jillian.

Related gallery: Jillian Ward's transformation from child star to teen star