GMA Logo willie revillame
Celebrity Life

Willie Revillame, abala sa pagpapagawa ng resort sa Puerto Galera

By Aedrianne Acar
Published June 2, 2021 3:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Thieves drill into German bank vault and make off with millions
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News

willie revillame


Karamihan daw ng online purchases ngayon ni Willie Revillame ay para sa ipinapagawa niyang resort sa Puerto Galera.

Bukod sa pagho-host ng kanyang high-rating gameshow sa GMA-7 na Wowowin, abala rin daw si Willie Revillame sa ipinapagawa niyang resort sa Puerto Galera sa Oriental Mindoro.

Sa online media event ng Shopee ngayong Miyerkules, June 2, natanong si Willie kung anu-ano ang recent purchases niya sa online shopping.

Pag-amin ng Shopee brand ambassador, “Pinabibili ko una mga tsinelas [kasi] nagpapagawa ako ng resort sa Puerto Galera. So, nabili ko siguro mga 40 pieces na tsinelas and then mga tent.

“'Yung mga ino-order ko diyan ng madalas 'yung mga kailangan sa pinapagawa ko. Well, sa Tagaytay, sa resorts ko.”

“Yung mga necessities na kailangan, so 'yung mga pini-purchase at inuutos ko 'yun sa mga staff ko.

"So lahat nang iyan, actually, na-deliver na yan 'yung mga tent. Ang dami kong inorder na tents para 'yung mga gusto mag-tent lang doon sa beach, so puwede.”

Ilan sa mga kaibigang artistang nakabisita na sa kanyang resort sa Puerto Galera ay sina Aga Muhlach at John Lloyd Cruz, na nakatakdang samahan si Willie sa TV special ng Shopee June 6, 2 p.m., sa GMA Network.

A post shared by Aga Muhlach (@agamuhlach317)

TV Special

Inenganyo din niya ang publiko na manood ng sa super-sized TV special na mapapanood ngayong Linggo sa GMA Network, kung saan mapapanood ang pagbabalik-telebisyon ni John Lloyd Cruz.

Pagbibida ng Wowowin host, “Very special yan, isipin mo ayaw niya lumabas, e, na-convince siya para lang for Shopee 6.6.

"You have to watch that kung ano gagawin ni John Lloyd [Cruz] sa 6.6, sa Sunday.”

Source Shopee

Source Shopee

Bukod kay John Lloyd, magpe-perform din sa naturang TV special sa Araneta Coliseum si Ultimate Star Jennylyn Mercado, na nakatrabaho ng aktor sa romantic-comedy movie na Just the 3 of Us noong 2016.

Kasama rin sa show ang paborito ninyong Kapuso celebrities tulad nina Rhian Ramos, Glaiza de Castro, Gabbi Garcia, Juancho Trivino, Mark Herras, Sef Cadayona, Mikael Daez, at 2020 Miss Universe Philippines 2nd runner-up Michele Gumabao.

Hindi rin dapat palagpasin ng certified K-pop fans ang performance ng K-pop group na Treasure.

Ayon kay Willie, non-stop ang entertainment na mapapanood sa special event na ito sa Kapuso Network ngayong June 6.

“Almost two hours ito na non-stop na talagang magbibigay ng saya 'to, importante sa pinagdadaanan natin ngayon," pang-eengganyo ni Willie sa huli.