What's Hot

Willie Revillame is one happy lolo to Meryll Soriano's kids

By Dianara Alegre
Published February 24, 2021 12:50 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Meryll Soriano, Willie Revillame at bunsong anak ng aktres


Bakit nasabi ni Willie Revillame ito tungkol sa kanyang mga apo: “Ito 'yung mga mag-aalaga sa 'kin”? Alamin DITO:

Kakaibang kaligayahan daw ang dala ng mga apo ni Wowowin host Willie Revillame sa kanya.

Ngayon ay dalawa na ang apo ng host sa anak niyang si Meryll Soriano at aniya, hindi niya lamang gustong maging lolo sa mga ito, gusto niya ring maging kaibigan para sa kanila.

Meryll Soriano Willie Revillame at bunsong anak ng aktres

Source: planetumeboshi (Instagram)

“Ito 'yung gusto ko, hindi lang lolo hindi lang apo. Parang kaibigan mo kabarkada mo 'yung mga apo mo. Kung ano 'yung nakikita mo sa 'kin on TV parang gusto ko ganon,” aniya.

Dagdag pa ni Kuya Wil, “'Pag dinadala sa 'kin 'yung bata sabi ko ito 'yung mga mag-aalaga sa'kin 'yung mga batang 'yon. Parang feeling ko ganon.”

Nitong January, ipinakilala ni Meryll ang kanyang bunsong anak sa partner na si Joem Bascon. Ang kanyang panganay na si Elijah Palanca ay anak niya sa kanyang dating asawa na si Bernard Palanca.

Tingnan ang modern family ni Meryll Soriano sa gallery na ito:

Ang happiness nga raw niya bilang bilang "Lolo Wil" ay ibinahagi niya rin sa iba sa pamamagitan ng kanyang show.

Sa loob ng ilang taong pag-ere ng Wowowin ay libu-libo na rin ang natulungan nitong mga kababayan na mula sa iba't ibang bahagi ng bansa.

“Every time na may nagba-Viber sa 'min nagpapasalamat, pinapakita 'yung pinamili - bigas, 'yung gamot ng nanay, 'yung gamot ng tatay. I think 'yung realization nito is kailangan na kailangan natin ng tulong sa mga kababayan natin,” aniya.

Sabi pa niya, ramdam daw niya ang pinagdadaanan ng mga taong humihingi ng tulong sa kanya dahil lumaki rin siya sa hirap.

“Pinagdaanan ko lahat 'yan, hirap. Tumira ako sa squatter, nagsasaing ako. Nararamdaman ko 'yan sa Willie of Fortune. Minsan may nakikita akong bata, 'Ito ako dati, dito ako nanggaling.' So nararamdaman ko 'yon,” dagdag pa niya.

Dahil sa pandemya ay ilang buwan niyang hindi nakita o nakasama sa studio ang mga avid supporters ng show kaya para maibsan ang pangungulila sa mga ito ay pinaplano niyang siya ang personal na mag-abot ng tulong sa mga ito.

“Kaya nga naisip ko gusto ko talagang ako 'yung maghahatid ng mga items nila at may dagdag pa,” aniya.

Panoorin ang buong 24 Oras report DITO.