
Pinagkaguluhan ng netizens ang litrato ng Korean actor na si Kwon Sang-woo dahil ka-look-alike daw niya ang Wowowin host na si Willie Revillame.
Isang screen capture mula sa palabas na Delayed Justice ang ibinahagi ng Facebook user na may ngalang Judaih Chewdaii Dyuday sa public group na Korean Drama.
Biro niya, “Willie Revillame transferred to SBS.”
Ang SBS ay isa sa mga kilalang TV channel sa South Korea.
Napansin din ng ibang netizens ang pagkakapareha ng Wowowin host at ng Korean actor.
Si Kwon Sang Woo ay isang sikat na aktor mula sa South Korea at mas kilala ng mga Pinoy bilang si Cholo sa Stairway to Heaven.