What's Hot

Willie Revillame, nagbahagi ng kanyang pangarap at pinagdaanan sa pagpasok sa bagong tahanan ng 'Wowowin'

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated September 11, 2020 7:04 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Sibol Men sweep group stage to punch 2025 SEA Games MLBB semis ticket
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News



Willie on GMA: "Iba kasi kapag nandito ka sa pangalawang tahanan mo."


“Eto na. Nandito na ‘yung pangarap namin.”

Ito ang naging pahayag ni Willie Revillame sa unang episode ng Wowowin na kuha mula sa bago nitong tahanan. Itinuturing niya na ang paglipat nila sa loob mismo ng GMA ang katuparan ng kanilang pangarap.

“Alam n'yo ba kung gaano namin ito pinagdasal, na magkaroon ng studio sa GMA? Iba kasi kapag nandito ka sa pangalawang tahanan mo. Eto na ang ating pangalawang tahanan, GMA 7, Kapuso channel,” dagdag ng host.

Nagbalik-tanaw si Willie sa mga pinagdaanan niya at ng kanyang programa bago humantong sa puntong ito.

READ: Willie Revillame, umaming muntik na sumuko sa 'Wowowin'

Nagsimula ang Wowowin sa GMA noong 2015 sa time slot na 3:30 P.M. tuwing Linggo. Dahil sa mataas na ratings na nakuha ng programa ay mas pinaaga ang oras nila at ginawang 2 P.M. Pebrero ngayong taon nang ginawang araw-araw na ang programa, at makaraan lamang ng dalawang linggo ay pinahaba na rin ang airing time nito mula 5 P.M. hanggang  6:30 P.M. araw-araw.

Ang lahat ng positibong pangyayaring ito sa Wowowin ay hindi inaako ni Willie.

“Alam n'yo kung bakit [nangyari ito]? Bakit? Dahil ho ‘yan sa pagmamahal n'yo sa programang ito,” sambit niya sa kanyang mga masugid na manonood at tagasuporta.

Kinuha rin ng host ang pagkakataon na magpaabot ng pasasalamat dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng Kapuso network.

“Of course sa bumubuo po dito sa GMA, magmula po sa kanilang janitorial, sa housekeeping, security guard, all the staff, sa COOP na lang, lahat, sa engineering. And of course gusto kong pasalamatan ang mga boss namin dito,” panimula niya.

“Boss Joey, thank you so much. Of course, also Mr. Jimmy Duavit. Sir, thank you so much. Of course, Mr. Felipe Gozon. Atty. Gozon, maraming salamat din po sa suporta n'yo sa akin, sa inyong paglalaban sa programang ito, alam ko. At sa isang tao po na talagang ipinaglaban po ako dito, Mr. Felipe Yalong. Boss, marami pong salamat sa iyo. Maraming maraming salamat. And my partner, Atty. Boy Reyno. Thank you so much, Atty. Boy Reyno,” kanyang pagpapatuloy.

Marami mang pinagdaanan si Willie at ang kanyang programa, mayroon namang nagpapatibay sa kanya.

Pag-amin niya, “Alam n'yo, maraming tao ang may pinagdadaanan. Isipin n'yo, lahat tayo may mga pinagdadaanan sa buhay. Ako rin ganun. Wala rin ako kasama sa buhay. Nag-iisa lang ako pero kayo ang pamilya ko sa araw-araw.”