
Hindi nagdalawang-isip ang Wowowin host na si Willie Revillame na pumunta sa Siargao, na isa sa pinakamatinding napinsala ng Typhoon Odette noong December 16.
Ayon sa ulat ng 24 Oras, maglalabas ng sariling pera si Kuya Wil para mabigyan ng ayuda ang siyam na bayan sa Siargao na pinadapa ng masamang panahon.
Saad ng award-winning TV host, “Nagbigay na ako ng personal kong pera sa siyam na mayors, tig-PhP1 million. Sabi ko, bubong at pagkain ang kailangan, so 'yun muna. So, bukas... uuwi ako ngayon para ma-withdraw 'yung pera, mapirmahan ko 'yung tseke, para bukas, dadalhin dito 'yung PhP9 million, kasi gusto ko itong Pasko meron silang makakain.”
Base sa nakalap na datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa PhP2.537 billion ang nasira sa imprastraktura, dahil sa Bagyong Odette.
Habang nasa Siargao si Kuya Wil, pansamantalang humalili sa pagho-host ng Wowowin ang comedy superstar na si Michael V., kung saan nag-host siya bilang si Kuya Wowie.
Sa episode nitong Miyerkules (December 22), humanga si Direk Bitoy sa pagtulong ni Willie sa ating mga kababayan.
Aniya, “Si Kuya Will lumipad papuntang Mindanao para maghatid ng tulong sa mga kababayan natin nasalanta ng Bagyong Odette.
“Kaya palakpakan natin si Kuya Will.”
Maari rin kayo tumulong mga Kapuso sa mga taong biktima ng nakaraang kalamidad sa pamamagitan ng pagdo-donate sa GMA Kapuso Foundation. Tulad ni Willie Revillame, nakapaghatid ang Kapuso foundation ng relief goods sa 4,000 indibidwal sa Gen. Luna City sa Siargao.
Samantala, silipin sa gallery sa ibaba ang ilang tagpo ng pagseserbisyo-publiko ni Willie sa pamamagitan ng Wowowin:
Ang Wowowin ay araw-araw nang napapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa TV at sa official verified social media accounts: sa Facebook, sa YouTube, at sa Twitter.
Related content:
Kuya Wowie, binigyan ng jacket si Kuya Wil
Willie Revillame at Kuya Wowie, nagsama for the first time!