GMA Logo
What's Hot

Willie Revillame, naghatid ng tulong sa Puerto Galera sa gitna ng COVID-19 crisis

By Cherry Sun
Published March 26, 2020 1:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Kahit na-lockdown sa Puerto Galera, hindi nagpapigil si Willie Revillame sa pagbibigay ng tulong ngayong panahon ng COVID-19 crisis.

Kahit na-lockdown sa Puerto Galera, hindi nagpapigil si Willie Revillame sa pagbibigay ng tulong ngayong panahong ng COVID-19 crisis.

Willie Revillame
Willie Revillame

Hindi makauwi sa Maynila si Willie Revillame at kanyang Wowowin staff bilang pagsunod sa enhanced community quarantine. Kasalukuyan silang tumutuloy sa kanyang pinagawang resort sa isla kaya't minabuti na rin ng Wowowin host na magbigay ng donasyon sa mga nakapalibot na barangay rito.

Sa video ni Wilie, ibinalita niya ang mahirap na kalagayan ng mga taga-Puerto Galera. Dahil sa ipanatupad na lockdown ay wala raw mapagkuhanan ng pagkain ang mga residente doon.

Nakipag-unayan si Willie kay Puerto Galera Mayor Rocky Ilagan at bumili siya ng halos 40 sako ng bigas, noodles, at tubig bilang donasyon. Sa unang araw ng kanilang pamimigay ay tatlong barangay ang kanilang natulungan.

Ani Willie, “Hindi po ito pagpapakitang-gilas… kaya ko 'to pinapaalam sa inyo para ho may mga tao rin sanang katulad natin na gumawa ng paraan.”

Panoorin:

RELATED CONTENT:

Willie Revillame, pinasundo si Kris Aquino at pamilya gamit ang helicopter upang kupkupin pansamantala sa Puerto Galera

Kris Aquino, thankful sa pakikipag-bonding ni Willie Revillame sa kanyang anak na si Josh