
Pagbibigay-diin din ng Wowowin host na nais niyang makatulong at hindi makabigat sa pamamagitan ng kanyang programa.
Kamakailan lamang ay mahigit 100 tao mula Taguig ang naloko ng isang pekeng coordinator na nagpakilalang tutulungan silang maging studio audience ng Wowowin. Dahil dito, pinabulaanan ni Willie Revillame na humihingi sila ng bayad mula sa kanilang mga manonood para makapasok sa studio.
Pahayag ni Willie, “'Wag ho kayo maniniwala na meron kaming staff na nanghihingi ng ganito, na magbibigay kayo ng ganitong pera. Wala po kaming ganoon. Lahat po ng staff namin nandito lang sa loob ng studio. Dito lang kayo i-entertainin."
"'Wag po kayong magbibigay ng kahit magkanong halaga dahil hindi po totoo ‘yan. Hindi po namin gagawin ‘yun na manghingi ng pera. Kami nga ho ang nagbibigay eh. Hindi ho kami manghihingi sa inyo, at hindi ho kami gagawa ng isang bagay na hindi ho tama,” paalala din niya.
Pagbibigay-diin din ng Wowowin host na nais niyang makatulong at hindi makabigat sa pamamagitan ng kanyang programa.
“Kaya nga ho ang ginagawa ko, binabalik ko ‘yung mga pamasahe niyo. Nagbibigay ako ng Php 10,000 sa bawat grupo, nagbibigay ng regalo kasi alam ko naman ho na gumagastos kayo. Binabalik ko lang naman ‘yun, pero wala kayong babayaran dito. Sa pagpasok po dito sa GMA, wala ho,” sambit niya.
“Aalagaan namin kayo, iingatan namin kayo,” patuloy din ni Willie.
MORE ON 'WOWOWIN':
Wowowin, balik-telebisyon na sa May 16
IN PHOTOS: Ang pagbabalik ng Wowowin