What's Hot

Willie Revillame, pinangakuan ng plane tickets si Buboy Villar at American girlfriend

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 6, 2020 6:56 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Rodrigo Duterte’s fitness to stand ICC trial to be determined by January – Conti
First Airbus A350-1000 in Southeast Asia arrives in the Philippines
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City

Article Inside Page


Showbiz News



Plane tickets papuntang America and Hong Kong vacation ang regalo ni Willie kina Buboy at Angillyn. 


Dahil sa pag-open up ni Buboy Villar sa Wowowin, may mga regalong ipinangako si Willie Revillame para sa kanya at sa kanyang American fiancé na si Angillyn Gorens.
 
Sa episode kahapon, July 18, ng Wowowin ay special guests at contestants ni Willie Revillame ang cast ng Encantadia. Naglaro sila sa Willie of Fortune segment at umabot sa jackpot round.
 
Sa segment na ito ay nakapanayam ni Kuya Wil sina Buboy, kabilang sa telefantasya bilang si Wantuk, at Angillyn. Hiningan ang batang aktor ng mensahe para sa kanyang nobya at hindi na niya napigilang maluha.
 
“Sinabi ko sa sarili ko na nung 'pag etong babaeng ‘to naging akin… kasi loko-loko talaga ako Kuya Wil, sa totoo lang. Loko-loko ako pero bibitawan ko lahat para lang sa kanya,” panimula ni Buboy.
  
“Bibitawan ko lahat ng kalokohan, mapasaya lang siya. Sa totoo lang, eto, live in po kami. Nag-propose po ako sa kanya, sinabi ko na siya na. Oo, sabihin man sa akin ng panahon na hindi pero gusto ko siya. Siya talaga. ‘Yun lang ‘yung laging isinisigaw ko. Etong babaeng ‘to, mahal na mahal ko ‘to,” pahayag niya.

READ: Buboy Villar, ikinuwento kung paano nag-propose sa American girlfriend

Humanga si Willie sa narinig niya lalo na’t hindi naman sila matagal na magkakilala ng aktor.
 
Sambit ng host, “Hindi kita kilala Buboy [pero] natutuwa ako sa ’yo. Eto gift ko sa inyo, pumunta kayong Amerika, ako bibili ng ticket n'yo. Hindi lang ‘yun, first-class na ticket, sa first class kayo."
 
“Magbakasyon ka, mag-Hong Kong muna kayo. Ako bahala sa hotel, ako bahala, bibigyan ko kayo ng pocket money,” patuloy niya.
 
Nagpaabot din ng pagbati si Willie para sa mabuting pagsasama ng dalawa.
 
MORE ON 'WOWOWIN':
 
EXCLUSIVE: Co-hosts ni Willie Revillame, ibinahagi ang kanilang best memories sa Wowowin
 
READ: Ano ang first impression ni Ariella Arida kay Willie Revillame?