What's Hot

Willie Revillame, planong dalhin ang 'Wowowin' sa iba't ibang lugar sa Pilipinas at buong mundo

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 22, 2020 10:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD: Over P8.4M in relief aid given to Albay LGUs affected by Mayon Volcano unrest
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News



"Maraming magagawang games, mas maraming mapapasaya [at] matutulungan at the same time. Lahat naman ng problema dito tumutulong eh. Ang importante masaya ka na, natulungan ka pa. - Willie Revillame


By CHERRY SUN

Masaya si Willie Revillame sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa Wowowin. Gayunpaman, hindi dito titigil si Kuya Wil dahil nais niyang palawakin pa ang abot ng kanyang programa.

Mula sa pag-ere tuwing Linggo hanggang sa paglipat nito sa mas mahabang time slot tuwing Lunes hanggang Biyernes, patuloy ang pagsusubaybay ng mga supporters at fans ni Kuya Wil. Kaya naman, masaya ang Wowowin host sa itinatakbo ng kanyang variety game show.

READ: Willie Revillame, pinili ang Wowowin over love life 

"Maraming magagawang games, mas maraming mapapasaya [at] matutulungan at the same time. Lahat naman ng problema dito tumutulong eh. Ang importante masaya ka na, natulungan ka pa," sambit niya sa panayam ng 24 Oras.

Dagdag din ni Willie, ang "Willie of Fortune" ang paborito ng kanyang mga manonood.

"Pag nai-interview na sila, mararamdaman mo kung gaano 'yung hirap na pinagdadaanan eh. So kakanta ka, nakikita 'yung talent mo, and then sasayaw ka, ikukuwento mo buhay mo. Ngayon [mag]lalaro ka na sa jackpot round ng "Pera o Kahon." You have a chance to win one million [at] isang house and lot," aniya.

Ibinagi rin niya ang kanyang plano na paglilibot sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas at sa ibang bansa para palaganapin ang kasiyahan at tulong na dala ng Wowowin.

WATCH: Willie Revillame sings "Nandon Ako" 

"This year meron tayong hopefully baka may Cebu, may Dubai, Davao tapos pupunta ng Hong Kong," pahayag niya.

Willie Revillame masaya sa mainit na reception sa Wowowin