What's Hot

Willie Revillame, rinegaluhan ng 65-inch TV sina Aiai Delas Alas at Lolit Solis

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 24, 2020 2:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Bilang regalo kina Aiai at Manay Lolit, binigyan sila ng tig-isang 65-inch TV ni Kuya Wil.


Simula nang pumasok ang Wowowin sa loob mismo ng studio ng GMA Network, dagsa ang mga kaibigang artista na bumisita kay Willie Revillame. Sa pagdalaw ng CelebriTV hosts na sina Aiai Delas Alas at Lolit Solis kahapon, April 26, ay umulan ng mga alaala at regalo sa programa.

LOOK: Kim Domingo, binista si Willie Revillame at ibang dating nakatrabaho

“Isipin n'yo dati kaming magkasama doon sa kabila,” pag-alala ni Kuya Wil tungkol kay Aiai.

“Magkasama na kami ngayon dito,” patuloy naman ng Sunday PinaSaya star.

Pagbabalik-tanaw ng dalawa, una silang pumasok sa mundo ng showbiz bilang mga Kapuso. Sina Willie at Aiai ay parehong nagmula sa Kapuso noontime variety show na Lunch Date. Ngayong magkasama silang muli sa iisang network ay puro paghanga ang nasabi nila sa isa’t isa.

“Ako naman sinasabi ko sa kanya 'pag nanonood ako sa ’yo, sabi ko ‘Alam mo ang galing-galing mo.’ Tinatapos ko nga ‘yung [show] kasi titingnan ko kung mananalo sila o hindi,” kuwento ni Aiai.

Napa-reminisce din si Kuya Wil tungkol sa tagal ng kanilang pinagsamahan.

Sambit niya, “Noong kami’y wala pang pera, pinapatulan namin ‘yung Php 3,000 na basketball. Siya ang muse, Php 1,500 siya. Pumapatol siya sa Php 1,500 maging muse lang siya.”

“Alam n'yo naman kung sino ‘yung totoong tao sa showbiz. Lahat ng artisa ho mababait ‘yan, maniwala kayo sa akin. Walang inisip ‘yan kung hindi i-entertain lang kayo. ‘Yan po ang industriyang ito,” dagdag ni Willie.

Bilang regalo kina Aiai at Manay Lolit, binigyan sila ng tig-isang 65-inch TV ng Wowowin host. Dahil dito ay nagpaabot muli ng pasasalamat si Aiai gamit ang kanyang Instagram account.

 

Salamat sa pagkalaki laking tv wohoooooo dumalaw lang ako nagulat ako may tv na ako .. Labyu mr revillame ????????????

A photo posted by Martina Eileen Delas Alas (@msaiaidelasalas) on


Sa parehong episode ay bumisita rin si Gabbi Garcia na noo’y naging celebrity co-host ni Willie. Sinamahan niya ang ibang hosts sa Patalbugan segment ng programa.

 




MORE ON WILLIE REVILLAME:

 

LOOK: College photo ni Willie Revillame, dala ng isang contestant sa 'Wowowin'

Chuchay at Boobsie, magiging celebrity co-hosts ni Willie Revillame?