GMA Logo Wilma Doesnt, Gerick Parin, Asiana, and Emilia, Araion
Courtesy: doesntwilma (IG)
Celebrity Life

Wilma Doesnt at Gerick Parin, may kakaibang love story

By EJ Chua
Published March 15, 2024 3:55 PM PHT
Updated March 15, 2024 4:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'Scared? Spill!' with Sanya Lopez and Jon Lucas
Senators eye higher pay for barangay officials, workers
Take a look at the holiday schedule of Intramuros sites

Article Inside Page


Showbiz News

Wilma Doesnt, Gerick Parin, Asiana, and Emilia, Araion


Wilma Doesnt sa pagdating ni Gerick Parin sa kanyang buhay: “Ipinagdasal ko siya, he stayed… Siya na ang the one…”

Kamakailan lang, napanood ang Abot-Kamay Na Pangarap star na si Wilma Doesnt sa vlog ni Karen Davila.

Proud na nagkuwento si Wilma tungkol sa kakaibang love story nila ng kanyang non-showbiz partner na si Gerick Parin.

Unang ibinahagi ng model-actress kung paano sila nagkakilala ni Gerrick.

Pahayag ni Wilma, “Si Jeric, barkada ko siya. Nung time na buntis ako sa second child ko, siya 'yung aking shoulder to cry on.”

“Sinasamahan niya ako kapag magpapa-check up ako… kahit hindi kanya, siya ang kasama ko. For nine months kasama ko siya, wala siyang malay na may balak na ako sa kanya,” sabi pa niya.

Kasunod nito, ibinunyag ni Wilma na mayroon siyang natanggap na sign tungkol kay Gerrick.

“Sinabi ko sa sarili ko, pumasok ako ng delivery room doon sa pangalawa kong anak, kapag nagising ako at nandiyan pa rin siya wala siyang choice, siya na ang mamahalin ko, sabi ko sa sarili ko 'yun nang wala siyang malay.”

Dagdag pa niya, “Pagkadilat ko, he was there, okay I think it's a sign then I prayed for it.”

Ayon kay Wilma, mayroon daw siyang mahalagang bagay na natutunan mula nang maging karelasyon niya si Gerrick.

Sabi niya, “Sa lahat ng nakarelasyon ko, siya lang ang ipinagdasal ko. Dun ko nalaman na dapat pala talaga guided ka, nagbago ako."

Pahabol pa niya, "Natutunan ko sa past… kailangan pala talaga mahalin muna ang sarili. Pinakita ko sa mga anak ko na mahalin muna ang sarili…'yung respeto ko sa sarili ko…”

“He is younger, 10 years younger, nung na-meet ko siya 22 pa lang siya. Marami akong in-elbow na babae, sa akin siya, ipinagdasal ko 'yan," paglalarawan niya.

Sabi pa niya, “Tinanong ko siya, gusto mo bang magkaanak tayo, honest ako… kung mabuntis mo ako at sabihin mong ayaw mo rin, 'wag kang mag-alala sanay na sanay ako…ganon katatag ang damdamin ko… Hindi siya umalis… he stayed… Siya na ang the one.”

Ikinasal si Wilma sa kanyang non-showbiz partner na si Gerick noong 2022.

Sina Asiana at Emilia ay mga anak ng model-actress sa kanyang dating partners.

Samantala, ang bunso naman ay si Araion, ang anak ng aktres sa kanyang asawa na si Gerick.


Related Gallery: Meet Wilma Doesnt's beautiful family