GMA Logo Wilma Doesnt wears Sheralene Shirata designs
Celebrity Life

Wilma Doesnt, game na game pa rin sa modeling

By Gabby Reyes Libarios
Published May 28, 2024 2:44 PM PHT
Updated May 28, 2024 2:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 19, 2025
Davao City expands incentives to attract more investors
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Wilma Doesnt wears Sheralene Shirata designs


May mahalagang payo rin si Wilma Doesnt para sa mga nais pumasok sa mundo ng modeling.

Kahit na busy na siya sa pag-arte at sa kanyang "five-star carinderia" business sa Cavite, hindi pa rin tuluyang maiwanan ni Wilma Doesnt ang mundo ng pagmomodelo.

Kamakailan, rumampa si Wilma Doesnt sa Manila International Fashion Week 2024 sa Whitespace Manila, kung saan isinuot niya ang gawa ng bagong promising fashion designer na si Sheralene Shirata.

"Maganda 'yung collection niya. It's very clean and neat. Ito yung pwede mong isuot sa mga awards nights. Pang-ngayon, magagamit talaga siya, disente. Malinis ang pagkakagawa, pang-mayaman," sagot ni Wilma nang tanungin siya ng ilang Entertainment press kung ano ang masasabi niya tungkol sa collection ni Sheralene.

"Para sa empowered women, ito 'yung designer na para sa inyo."

Kahit na hindi pa tapos na mag-makeup, nagpaunlak na agad ng interview si Wilma Doesnt sa mga naghihintay na Entertainment Press.

Bukod sa pagiging designer, isang model at beauty queen rin si Sheralene Shirata. Hinirang na rin siya dati bilang Noble Queen Earth 2022. Kaya naman hindi na siya nagdalawang isip pa na kunin si Wilma Doesnt bilang kanyang model at endorser dahil alam niya na kayang kaya ng aktres na iangat ang kanyang brand.

"She's a model and an actress, kilala siya sa fashion industry. And she's also one of my idols pag dating sa fashion. Maraming inoffer sa akin na options, pero si Wilma talaga 'yung napusuan ko," kuwento ni Sheralene. "And ang funny niya, lalo na nung photo shoot namin."

Dagdag naman ni Wilma, "Actually, nung nag-pictorial nga kami, nung nakita ko siya [Sheralene], sabi ko, 'Ah kami pala yung magmomodel,' tapos nagulat na lang ako nung may nagsabi sa akin na siya 'yung designer. Malinis talaga. Sa tanda ko na sa pagmomodelo, alam ko na siguro kung ano 'yung malinis na damit di ba?"

Aminado ang Abot-Kamay Na Pangarap actress na modeling ang kanyang first love, dahil na rin sa ito ang nagbigay sa kanya ng maraming oportunidad para maiangat ang kalidad ng kanyang pamumuhay, kabilang na rin dito ang pagkakataon na makapasok siya sa showbiz.

Sabi ni Wilma, "Mga fashion show, bihirang bihira na. Pero kasi nga I couldn't say no to Richard Hiñola (PR practitioner) and Larry Asistin (show director), 'yun talaga e, pag mga kaibigan mo, wala ka magawa."

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na bago niya pinasok ang mundo ng pag-arte at komedya, isang magaling na ramp model si Wilma Doesnt. Ilang beses na rin siya naging "muse" ng ilang batikang fashion designers tulad nina Frederick Peralta, Randy Ortiz, at Renee Salud, noong kasikatan niya noong '90s.

Pero kung siya ang tatanungin, mas ipauubaya na niya ang pagmomodelo sa kanyang dalaga na si Asiana Doesnt, na active na miyembro ng Professional Models Association of the Philippines (PMAP). Para sa mga hindi nakakaalam, ang PMAP ay isang organisasyon ng mga modelo na itinaguyod noong 1987 at pinapatakbo rin ng kapwa modelo.

"Ate Asiana is more into modeling lang, kasi mas gusto niya yun, mas priority niya yun," dagdag ni Wilma.

Malaki rin ang pasasalamat ni Sheralene Shirata sa kanyang supportive na partner, ang French businessman na si Jerome Grimberg.


RELATED CONTENT: Photos that show why Wilma Doesnt's daughter Asiana is a model to watch

Handa rin si Wilma na ibigay ang kanyang all-out support kung sakaling maisipan ni Asiana na sumali sa beauty pageants, ang mundo na hindi na sinubukang pasukin pa ni Wilma noong kabataan niya.

"I never joined Binibining Pilipinas. I joined Body Shots (modeling search). Akala lang nila. Lagi nila akong inaabangan na mag-join. Pero wag kayong mag-alala, hintayin n'yo ang anak ko. Hintayin na lang natin si Ate."

Bago natapos ang media interview, nagbahagi rin ng advice si Wilma Doesnt para sa mga aspiring models, lalong lalo na't inclusive o mas bukas na ang modeling industry ngayon sa iba-ibang hugis, height, hulma ng mga modelo. Hindi na lang para sa mga payat at matatangkad ang pagrampa ngayong panahon.

"Anybody can be a model, ang sa akin lang, sana naman kung magmomodel ka, ayusin mo naman 'yung kili-kili mo, mga siko mo, 'yung mga tuhod mo. Di ba, wala na nga yung standard? Pero sana naman 'yung hygiene andon pa rin.

"And your skin is very important. So sa lahat ng gusto magmodel, regardless of your height, your size, you take good care of your hygiene and your skin because that's your investment."

Itong mismong advice na ito ang palagi niyang ipinapaala sa kanyang anak na si Asiana bago ito sumabak sa isang proyekto.

"Sinasabi ko sa kanya, ''Yung kili-kili mo, 'yung siko mo, 'yung tuhod mo, importante 'yun.' I might sound funny but kapag jinudge ka na, kapag naka-bikini ka na, 'yun talaga ang nakikita, 'yung tuhod!"

Pagdating naman sa kanyang lovelife, isang maiksi pero meaningful na sagot ang ibinigay ni Wilma Doesnt. Happy raw siya sa piling ng kanyang partner na si Gerick Parin, pati na rin ng kanilang tatlong anak na sina Asiana, Emilia Svetlana at Araion.

"Ay Diyos ko, it's flourishing! Laban na laban na laban pa tayo d'yan!" natatawang sagot ni Wilma.

RELATED CONTENT: Meet Wilma Doesnt's beautiful family