
Kaabang-abang ang pagbabalik ni Wilma Doesnt sa nangungunang GMA drama series na Abot Kamay Na Pangarap.
Kilala si Wilma bilang si Josa, ang ninang ni Analyn na karakter ni Jillian Ward sa medical drama series.
Bukod dito, siya rin ang best friend ng nanay ni Analyn na si Lyneth, ang role naman ni Carmina Villarroel sa naturang serye.
Sa katatapos lang na episode ng serye, ipinasilip ang kasalukuyang buhay ni Josa magmula nang lumayo siya sa mag-ina.
Natunghayan din na naabutan siya ni Michael (Dominic Ochoa) na nakikipag-away dahil hindi siya nakakapagbayad sa renta ng kanyang tinutuluyan.
Magbabalik na ba si Josa sa buhay nina Lyneth at Analyn?
Samantala, sa susunod na episodes ng serye, matutunghayan na lalabas na ang cellphone ni Doc RJ (Richard Yap).
Matatandaang ibinigay ni Analyn ang cellphone noon sa kanyang ninong na si Cromwell (Ariel Villasanta) bago ito pumanaw.
Silipin ang ilang eksenang mapapanood sa bagong episode na ipapalabas mamaya sa video na ito:
Abangan ang pagbabalik ni Wilma Doesnt bilang si Josa sa Abot-Kamay Na Pangarap, mapapanood tuwing Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m., sa GMA Afternoon Prime.
Maaari ring mapanood ang programa online via Kapuso Stream.
Maaaring balikan ang iba pang episodes ng serye rito: