
Proud na proud ang aktres na si Wilma Doesnt na dalawang taon na silang nagsasama bilang mag-asawa ng kanyang non-showbiz partner na si Gerick Parin.
Sa latest Instagram post ni Wilma, mababasa ang kanyang anniversary message para sa kanyang asawa.
Related gallery: Meet Wilma Doesnt's beautiful family
Sulat niya, “2nd anniversary na namin 'to chong!... Ikaw pala ang pag-ibig na para sa akin.”
“Gaya ng sabi ko, sa lahat ng 'di tiyak sa buhay ko, ikaw lang ang sigurado! Maraming Salamat sa walang hanggang pagmamahal sa amin beb,” dagdag ng aktres.
Kasunod nito, sinabi ni Wilma na wala na siyang ibang hihilingin pa para sa kanyang buhay.
Ipinaabot niya rin ang lubos na pasasalamat niya sa lahat ng ginagawa ni Gerick para sa kanya at sa kanilang pamilya.
Sulat ng aktres para sa kanyang partner, “Thank you for being a good provider. Thank you sa mahabang pasensya mo kahit loka loka ako… 15 years together at 2 years of being Mrs. Parin…”
May sweet na linya at biro pa siya tungkol sa kanyang mga celebrity crush.
Sulat ng celebrity mom, “Mahal na mahal kita beb at walang iba, maliban kay Channing Tatum, Vin Diesel, at Jason Statham ha.”
Pahabol pa niya, “Ganda pala ng write-ups natin nung wedding natin no? After two years, ngayon ko lang nabasa.”
Samantala, kasalukuyang napapanood si Wilma sa hit GMA series na Abot-Kamay Na Pangarap.