What's Hot

'Wings of Love,' unang Turkish drama sa Philippine television

By Marah Ruiz
Published June 26, 2018 5:23 PM PHT
Updated June 26, 2018 5:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Kris Aquino tells followers: ‘I’m alive because of your prayers’
Farm To Table: May masarap na ihahain ngayong Linggo!
Aye The Anchor On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News



Ang 'Wings of Love' ay ang unang Turkish drama series na mapapanood sa bansa. Abangan sa July 2, pagkatapos ng 'Wolfblood' sa GMA Heart of Asia.

 

 

Sa pagdiriwang ng ika-15 anibersaryo ng GMA Heart of Asia, hatid nito ang isa na namang 'first' sa Philippine TV!

Ang Wings of Love ay ang unang Turkish drama series na mapapanood sa bansa.

Kuwento ito ni Leyla (Seda Bakan), isang single mother na sinusubukang bigyan ng maayos na buhay ang kanyang anak.

Dahil sa problema sa pera, magdidisisyon ang kanyang ama na ipakasal siya kay Hasmet (Mustafa Üstünda?), isang mayamang businessman na may-ari ng ilang sikat na restaurants.

Pero sa mismong araw ng kanilang kasal, matutuklasan ni Leyla ang tunay na katauhan ng kanyang pakakasalan. Front lang pala ang mga restaurants dahil bahagi talaga ng isang malaking drug cartel si Hasmet!

Dahil sa takot para sa kaligtasan niya at ng kanyang anak, tatakas si Leyla. Masasakyan niya ang kotse ni Albert (Kadir Do?ulu), isang chef na namamahala sa isa sa mga restaurants ni Hasmet.

Mapipilitan si Leyla na aminin dito ang lahat. Maiintidihan ni Albert ang kalagayan niya dahil hirap din ito sa pagtataguyod ng sarili niyang anak matapos ma-comatose ang kanyang asawa. 

Sa pagtulong ni Albert kay Leyla, hindi maiiwasang mahulog ang loob nila sa isa't isa. Paano nila haharapin ang patuloy na banta ni Hasmet? 

Panoorin ang Wings of Love, Lunes hanggnag Biyernes simula July 2, pagkatapos ng Wolfblood sa GMA Heart of Asia.