Article Inside Page
Showbiz News
Sa pagbisita ng gmanetwork.com sa rehearsal ng
Dolphy Alay Tawa nakapanayam namin ang talented daughter ni Alma Moreno na si Winwyn Marquez, na isa sa mga artista na magkakaroon ng dance performance para sa once in a lifetime show.
Bilang pagpupugay sa nag-iisang Philippine Comedy King na si Dolphy, nagsama-sama ang tatlong bigating networks sa bansa sa paggawa ng isang musical tribute bilang pag-alala sa mga kontribusyon nito sa showbiz industry. Sa pamamagitan ng once in a lifetime show na
Dolphy Alay Tawa: A Musical Tribute to the King of Comedy na ipalalabas sa SM Mall of Asia Arena sa September 19, muling bubuhayin ng mga biggest stars ng tatlong network ang mga naiambag ni Dolphy sa larangan ng sining at musika.
Sa pagbisita ng
gmanetwork.com sa rehearsal ng
Dolphy Alay Tawa nakapanayam namin ang talented daughter ni Alma Moreno na si Winwyn Marquez, na isa sa mga artista na magkakaroon ng dance performance para sa once in a lifetime show.
Agad na ikinuwento ng Kapuso dancer-actress kung gaano ito kasaya dahil kasama siya mga artista na napili para mag-perform. “Honor na maging part ng
Dolphy Alay Tawa kasi syempre kapatid ko si Kuya Vandolph, at napalapit na rin ako sa pamilya ng mga Quizon and this is the least that I can do for them,” nakangiting sinabi ni Winwyn.
Dahil sa nagkaroon ng relasyon ang kanyang ina at si Mang Dolphy, tinanong din namin ito kung manonood ang kanyang mommy. “Opo, humingi na nga po siya ng mga tickets and I assume na pupunta po siya with my brothers and sisters,” assured the actress.
On her mom's condition
Kinamusta rin namin ang kalagayan ng kanyang ina na napabalitang mayroong multiple sclerosis. “She’s okay and she’s resting kasi ‘di siya puwedeng gumalaw masyado at ‘di rin siya puwedeng mapagod. ‘Di rin po siya puwede sa sobrang lamig at sobrang init, at ang advice sa kanya is rest lang at huwag masyado ‘yong mga strenuous activities kasi bawal sa kanya.“
Ikinuwento rin nito kung ano ang ginagawa niya upang mapagaan ang pakiramdam ng kanyang ina. ”Normal lang. Ayaw niya kasi na nag-woworry kami. Normal lang kasi, mas gusto niya na nagtatrabaho siya kahit little work kasi mas gusto niya na may ginagawa siya. We don’t make it a big deal for her kasi ayaw niya rin.”
Panoorin si Winwyn Marquez at ang iba pang Kapuso stars sa
Dolphy Alay Tawa: A Musical Tribute to the King of Comedy ngayong September 19, 2012 at abangan din ang special airing nito sa GMA-7 ngayong Setyembre!
-- Paula Panganiban, GMANetwork.com