
Umabot na ng mahigit two million views full trailer ng Tadhana: Ganti.
Subaybayan ang kuwento ng simpleng pangarap na nauwi sa pang-aabuso.
Inosente at puno ng pangarap si Giselle (Winwyn Marquez) nang pumasok siya bilang intern sa opisina ni Mayor Fidel Reyes (Shido Roxas).
Lingid sa kaalaman ng dalaga, ibang serbisyo pala ang matatanggap niya rito -- isang pang-aabuso!
Bukod sa trauma, dala-dala rin ni Giselle ang bunga ng masamang pangyayari sa kanyang buhay -- isang supling.
Upang maitago naman ang ginawang kasamaan ni Mayor Fidel, ipapapatay ng kanyang misis na si Marissa (Maui Taylor) si Giselle matapos nitong manganak at aangkinin ang anak ng dalaga.
Walang kamalay-malay sina Fidel at Marissa na buhay at nagpapalakas si Giselle upang maghiganti at bawiin ang anak na nawalay.
Ano ang kayang gawin ni Giselle upang makuha ang kanyang anak?
Abangan ang natatanging pagganap nina Winwyn Marquez, Maui Taylor, Pancho Magno, Shido Roxas, Princess Aliyah, Jim Pebanco, Bryce Eusebio at TikTok stars Yes na Yes For You at Chloe Redondo.
Samahan si Kapuso Primetime Queen sa kuwento ng Tadhana: Ganti ngayong Sabado, 3:15 pm.m sa GMA-7 at sa GMA Public Affairs' Facebook and YouTube livestream.